Advertisers

Advertisers

Malakas na alon humagupit sa SulKud: Maglola missing, 25 bahay nilamon

0 337

Advertisers

NAGLUNSAD ng search and rescue operation ang mga otoridad sa dalawa katao na nawawala nang hagupitin ng malakas na alon ang mga naninirahan sa gilid ng dalampasigan sa Barangay Poblacion, Palembang, Sultan Kudarat.
Sa ulat, ang mga nawawala ay isang 12- anyos na babae at kanyang lola,61.
Ayon kay Palembang Mayor Teng Kapinan, bumuhos ang malakas na ulan na sinabayan pa ng malakas na hangin at baha.
Hinagupit ng malalakas na alon ang mga nakatira sa dalampasigan. Umaabot sa 250 kabahayan ang pinasok ng tubig at 25 ang nawasak.
Sa lakas ng alon, inanod ang maglola.
Dagdag ni Mayor Kapinan, pinaka-apektado ang Sitio Kampo Muslim sa may bukana mismo ng bayan.
Sinabi naman ni Palembang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer Jenel Tuanado na agad inilikas ang mga apektadong pamilya at pansamantalang naninirahan sa mga evacuation center.
Nagpaabot narin ng inisyal na tulong ang LGU-Palembang sa mga apektadong pamilya.(Ace Ramales)