Advertisers
Sugatan ang hindi bababa sa apat na tauhan ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) nang atakihin ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Oriental Mindoro.
Sa report, nagkaroon din ng pagsabog sa Barangay Bongabong sa naturang lalawigan.
Ayon sa ulat, patungo sa Barangay Malitbog ang isang team ng PNP-SAF nang tumama ang kanilang sasakyan sa landmine sa Sitio Mayangis, Barangay Mambog.
Dahil sa pagsabog, nagkaroon ng labanan na tumagal ng 10 minuto.
Humingi naman ng saklolo ang PNP-SAF squad sa kanilang headquarters upang dalhin sa ospital ang mga nasugatan.