Advertisers

Advertisers

Guilty sa P780-M graft charges… KULONG AT PERPETUAL DISQUALIFACTION TO HOLD PUBLIC OFFICE KAY PICHAY

0 326

Advertisers

PINATAWAN si outgoing Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay ng 18 taon hanggang 30 taon na pagkakabilanggo at habambuhay na diskwalipikasyon sa paghawak ng posisyon sa gobyerno.

Ito’y matapos mahatulang ‘guilty beyond reasonable doubt’ ng Sandiganbayan Fourth Division ang kongresista ng tatlong bilang ng kasong graft kaugnay sa ‘mishandling’ o maling paghawak sa P780 million na pondo ng Local Water Utilities Administration (LWUA) noong siya pa ang Chairman noong 2009.

Sa 66-pahinang desisyon ng anti-graft court, si Pichay ay nahatulang “guilty of gross inexcusable negligence” dahil sa iregular na pagkuha sa 60% na shares ng Express Savings Bank Inc. (ESBI), na aabot sa halagang P80 million, dagdag pa rito ang pagdeposito ng P300 million sa nasabing bangko at pagdaragdag ng kapital na aabot sa P400 million mula sa kaban ng LWUA.



“The prosecution was able to present sufficient evidence to prove that the irregular transactions carried out by the accused LWUA officials …were committed with gross inexcusable negligence. Ultimately, the absence of the requisite MB approval resulted in losses on the part of the government in the total amount of P780 million,” saad pa sa Sandiganbayan ruling.

Sinasabi rin ng korte na nagdulot ng pinsala sa pamahalaan sina Pichay at iba pang nahatulan matapos nilang balewalain ang mga requirements na hinihingi partikular ang pagapruba ng Office the President, Department of Finance (DOF), Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) – Monetary Board (MB), at ng Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) salig na rin sa RA 8791 on General Banking Law of 2000 at Administrative Order No. 59.

“The records of the case bear witness to the repeated reminders of the different government offices to seek appropriate approval from the banking regulators before LWUA proceed with its resolution to create a bank or acquire an existing financial entity,” pagbibigay-diin ng Sandiganbayan Fourth Division.

Nahaharap ang mga dating LWUA officials sa anim hanggang sampung taong pagkakakulong para sa bawat bilang ng kasong graft o katumbas ng 18 hanggang 30 taong pagkakabilanggo at “perpetual disqualification” sa paghawak ng anumang posisyon sa pamahalaan.

Nitong nakalipas na May 9 polls, si Pichay ay tumakbo para sa re-election bilang kongresista ng Surigao del Sur 1st. Dist. subalit nilampaso at tinalo ni Constructions Workers Solidarity (CWS) party-list Rep. Romeo Momo Sr.



Nauna rito, naglabas ang Supreme Court (SC) First Division na isang resolution na tuwirang nagbabasura sa consolidated petitions na inihain ng talunang Surigao del Sur lawmaker at kumakatig sa naunang hatol sa huli na pagpapataw sa kanya ng parusang ‘perpetual disqualificatio to hold any position in the government’.

Ang nasabing High Tribunal decision ay may kaugnayan din sa mga kasong isinampa laban kay Pichay hinggil kuwestyunableng P780-M LWUA-ESBI transactions.