Advertisers

Advertisers

Manila Bay rehab suportado ng Konseho ng Maynila

0 256

Advertisers

NAGPAHAYAG ng suporta ang Sangguniang Panlungsod ng Maynila hinggil sa pagpapaganda at pagsasaayos sa baybayin ng Baywalk sa kahabaan ng Roxas Boulevard, na isinasagawa ng Department of Environment ang Natural Resources (DENR) at Department of Public Works and Highways (DPWH).
Batay sa resolusyon na inihain at iniakda sa Konseho nina District 4 Councilor Don Juan “DJ” Bagatsing at District 6 Councilor Salvador “Philip” Lacuna, sinusuportahan nila ang DENR at DPWH ang paglalagay ng beachfront white sand (dolomite) sa baybayin ng Manila Bay bilang bahagi ng kanilang rehabilitasyon upang mapaayos, malinis at mapaganda ito.
Naniniwala din ang mga may-akda na ang ginagawang pagpapaayos ng dalawang sangay ng gobyerno ay walang bahid na pagdududa na makakatulong at makakabuti ito sa publiko.
Ikinatuwiran ng dalawang Konsehal na ang coastline area ng Manila bay, particular ang bahagi ng Baywalk sa Roxas Boulevard ay maituturing na “crown jewels” ng Lungsod ng Maynila at isang tourist attraction sa buong mundo kung saan makikita ang pagsikat at paglubog ng araw.
Sa kanilang datos, noong December 18, 2008 nang iniutos ng Korte Suprema ang isang ‘Mandamus’ sa Manila Bay na linisin, magsagawa ng rehabilitasyon at panatilihin ang tubig ng Manila Bay upang paglanguyan o magamit sa iba’tibang sport activities ang lugar, dahilan upang simulang linisin at tanggalin ang mga basura.
Hindi rin anila makatuwiran ang ilang pambabatikos ng ilang sector at sa social media sa isyu ng kung magkano ang ginastos at panggastos sa panahon ng pandemya at nakakasama sa kalusugan.
Gayunman, mismong ang Department of Health (DOH) ang nagsabi na ang paglalagay ng dolomite sa lugar ay hindi nakakasama sa kalusugan dahil ginagamit din ito sa isang tourist destination sa buong mundo. Maging ang ilang ahensiya ng gobyerno tulad ng DILG, DOT, MMDA, Presidential Spokesman, at ilang kongresista kung saan ineendorso pa ang naturang proyekto.
Mismong ang alkalde ng Lungsod ng Maynila na si Francisco “Isko Moreno Domagoso ay sumasang-ayon sa ginagawang rehabilitasyon at pagpapaganda sa lugar dahil naniniwala itong magiging isang tourist attraction, nagbibiagy ang trabaho sa ilan at pagsisimulan ng pagbubukas ng negosyo sa lugar.
Sinang-ayunan naman ng may 34 iba pang Konsehal ng Sangguniang Panlungsod ang iniakdang resolusyon nina Bagatsing at Lacuna. (Jocelyn Domenden)