Advertisers

Advertisers

Tulong ng DAR sa mga magsasaka minaliit ng KMP

0 399

Advertisers

NANINDIGAN ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) na dapat nang ibasura ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang isinusulong nitong programa na Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) at isulong ang bagong agrarian reform law at libreng pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka.
Ayon sa KMP ang CARP ang pinakamatagal at mas magastos na agrarian reform program sa kasaysayan ng Pilipinas, at dapat na itong ibasura.
Sinagot ng KMP ang pahayag ng DAR na pinupuri ni DAR Secretary John R. Castriciones ang ipinasa kamakailan ng Kongreso na Republic Act No. 11494, an Act for Covid-19 Response and Recovery Providing Interventions. BAyanihan To Heal As One Act na nagbigay-tawad sa mga bayaring interest at sa obligasyon ng mga agrarian reform beneficiaries (ARBs).
Minaliit din KMP ang ipinagmamalaki ng Department of Agrarian Reform (DAR) na tulong ng gobyerno sa mga magsasaka para mabawasan ang financial na paghihirap ng mga magsasaka.
Ayon kay Danilo Ramos, chairperson ng KMP sa Pilipinas lamang na ang magsasaka ay nagbabayad ng land amortization at iba pang government fees sa kabila ng krisis dulot ng pandemya.
Sinabi ng KMP ang CARP ang pinakamatagal at mas magastos na agrarian reform program sa Philippine History, at dapat na itong ibasura at isulong ang bagong agrarian reform law at libreng pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka.
Nabatid pa kay Ramos na dapat gawin nang libre ang pamamahagi ng lupa. Wala na dapat compensation para sa mga landlord na nangamkam at nang-agaw ng lupa, at hindi na dapat singilin ng interes sa amortisasyon ang mga magsasaka.(Boy Celario)