Advertisers

Advertisers

TAKSIL SA BAYAN

0 655

Advertisers

HINDI kami sang-ayon sa paninindigan ni Rodrigo Duterte. Hindi tayo dapat pumalag sa pangangamkam ng China sa teritoryo natin sa West Philippine Sea sapagkat maaaring mauwi ito digmaan, aniya. Wala tayong laban sapagkat malaki at makapangyarihan ang China. Samakatuwid, maigi huwag ng pumalag kahit kunin ang lahat ng China.
Wala pa ang putukan, suko na tayo sa China. Ganyan ang katwiran ni Duterte. Pero tingnan natin ang Vietnam at Indonesia. Hindi makapalag ang China kahit putukan ang kanilang mga sasakyang pandagat. Hindi maalipusta ng China ang dalawang bansa. Ang China ang suko sa Indonesia at Vietnam. Matapang ang kanilang mga lider na sumagupa sa China.
Inamin naman ni Duterte na inutil siya pagdating sa usapin ng West Philippine Sea. Hindi ipinagkakaila na walang maaasahan ang 110 milyong Filipino sa kanya. Palaisipan sa amin na kung wala na siyang silbi sa usapin ng pagtatanggol sa sariling bansa, bakit hindi pa siya magbitiw at ibigay ang timon ng pamumuno sa Bise Presidente.
Sa maikli, pinamumunuan ang Filipinas ng isang lider na walang silbi at bayag at dinadala tayo sa direksyon upang sumuko sa bawat nais ng China. Base sa kanyang sariling pag-amin sa kanyang talumpati kahapon, matuwid na tawagin siyang taksil sa bayan.
***
NATAPOS ang SONA ni Duterte na hindi naunawaan ng sambayanan kung ano ang totoong kalagayan ng Filipinas. Wala siyang ibinigay na anuman roadmap upang bumangon ang bansa mula sa nakasadlakan na pagdurusa ng pambansang ekonomiya. Ipinagmagaling ni Herminio Roque (ito ang tunay niyang pangalan) ang roadmap ng economic recovery, ngunit nakaligtaan ng kanyang presidente.
Wala kasing narinig sa tila bangag na si Duterte kundi ang kanyang galit at mga pagbabanta na sisirain at wawasakin ang kung sino at ano. Hindi siya nagbigay ng anumang direksyon na tatahakin ng kanyang gobyerno. Wala siyang sinabi na anumang pagtaya sa natitirang dalawang taon ng kanyang termino.
Hindi na bago ang sinambit niya salita ng pagsamba sa China at sa lider nito. Hindi siya nangangamba na matatakan bilang tuta ng China at traydor sa bayan. Sadyang wala siyang pakialam. Bagaman nagbitiw ng salita ang Estados Unidos ng kanilang pananatili sa South China Sea, bahag pa rin ang buntot ni Duterte. Mukhang China pa rin hanggang sa huli.
***
HINDI dapat maging abusado sa poder ang tropang Davao City. Hindi sila ang mga hari at reyna ng bansa. Dahil sa inaasal ng kanilang pinuno, hind malayo na maraming mamamayan sa Luzon at Kabisayaan ang naghahasa ng tabak laban sa masamang hangarin ni Duterte at tropang Davao City. Lalaban ang mga ito katulad ng ginawa nila noong panahon ng diktadurya ni Ferdinand Marcos.
Sa kasaysayan, ang mga taga-Luzon at Kabisayaan ang lumaban sa mga mananakop na Kastila, Amerikano, at Hapon. Walang partisipasyon ang Davao. Hindi alam ng mga taga-Davao kung paano lumaban sa mga mananakop. Naging kanlungan ng mga Hapones ang Davao noon panahon ng mga mananakop na Amerikano at Hapon. Nasa panig ng mga taga-Luzon at Kabisayaan ang kasaysayan.
***
PAGLILINAW lang: Si Bise Presidente Leni Robredo ang nagsisilbing budhi ng sambayanang Filipino. Nagpapahayag siya ng saloobin sa maraming usapin na bumabalot sa bansa. Tumutulong siya sa liderato upang magampanan ang obligasyon sa bayan. Sa gitna ng mapanganib na pandemiko, lumabas ang Pangalawang Pangulo upang tulungan ang mga kapuspalad. Hindi siya katulad ni Duterte na nananatili sa loob ng kulambo at natutulog lamang.
Hindi pamalit na gulong ang Bise Presidente. Siya ang nagtatrabahong Bise Presidente. Si Leni ang masigasig na Pangalawang Pangulo. Siya ang kabaligtaran ng batugan at walang silbi na si Duterte. Pangalagaan natin ang Bise Presidente.
***
ISA kami sa nangangamba sa maaaring ibunga sa ginawang pagsamsam ng dalawang pulis sa plakard ng isang kasapi ng Akbayan Party List sa loob ng Basilica ng Quiapo. Nagpalabas ng opisyal na pahayag ang Akbayan na kanilang sasampahan ng sakdal ang dalawang pulis.
Nakilala na kasapi ng Iglesia ni Cristo ang dalawang pulis. Ito marahil ang dahilan kaya walang paggalang ang mga pulis sa isang sagradong lugar – ang simbahan ng Catolico Romano. Nagdadasal ang kasapi ng Akbayan nang pumasok sa loob ang mga pulis at samsamin ang dala niyang plakard.
Walang tradisyon ang Filipinas sa karahasan sa relihiyon. Malayang nagsasama-sama ang mga kasapi ng iba’t ibang relihiyon. Walang problema. Ngunit huwag magbaka sakali ang mga kasapi ng INC. Kapag sumiklab ang karahasan, kawawa ang mga kasapi ng Iglesia ni Cristo. Mas marami ang kabilang sa Catolico Romano at iba’t-ibang denominasyon ng Cristiyano. Hahabulin sila sa mga lansangan na parang mga asong bahag ang mga buntot.
Pakibasa ang opisyal na pahayag ng Akbayan:

DALAWANG PULIS ISASAKDAL NG AKBAYAN:
Tahasang kinukundena ng Partido Akbayan ang kapulisan ng Maynila dahil sa kanilang pangharas sa ilang kasapi ng partido. Noong 12:45 ng tanghali sa misa sa Quiapo Church, kinumpiska ng 2 pulis ang placard at panawagan ng mga kasaping kasama rito at nanggulo sa mismong misa.
Hindi makatarungan ang nagawang pagkumpiska sa mga materyales. Sumama lamang ang mga kasapi ng partido sa misa para sa katarungan at kapayapaan bago tumuloy sa malawakang kilos protesta sa UP Diliman. Walang nakabuklat o nakalabas na kagamitan, at hindi rin ito nagamit upang magsagawa ng kilos protesta sa loob ng simbahan.
Malinaw sa mga nakuhang video ng pangyayari na ang tanging nagpasimuno ng gulo sa simbahan ay ang pulis na nangumpiska ng gamit. Hindi naipaalam sa may-ari ang pangungumpiska, at walang naipaalam na dahilan nito; labag ito sa protocol ng pulisya, at kuwalipikado ito bilang pagnanakaw.
Naninindigan ang Partido Akbayan na patunay lamang ito na ang banta sa mamamayan ay hindi lamang ang pandemya kundi ang administrasyong Duterte. Nakakabahala na sa mismong misa para sa Katarungan at Kapayapaan pa nanggulo ang kapulisan. Ito mismo ang pangamba ng CBCP pastoral letter: ang mala-diktador na pang-aabuso ng gobyerno. Maging mga simbahan ay hindi na ligtas sa panggigipit ng estado sa kanyang mga kritiko.
Maaasahan na hindi titigil ang pagtindig ng Partido Akbayan para sa katarungan at laban sa lantarang pagnanakaw at panggulo na ginawa ng pulisya. Handang magsampa ng kaso ang partido laban sa mga pulis.
***
Email:bootsfra@yahoo.com