Advertisers

Advertisers

Derek todo-deny na live-in na sila ni Andrea, 2 years pa bago magpakasal

0 331

Advertisers

SA post sa social media account ni Derek Ramsay,  mariing pinabulaanan ng guwapong aktor ang akusasyon sa kanya.

Sa pa-house tour ni Derek sa kanyang IG ay nakita ng netizens ang gf nitong si Andrea Torres na kasama na naglibot sa magarang bahay ng aktor.

Kaya inakala na nagli-live in na ang dalawa pero agad itong itinanggi ni Derek.



Sa kabila na sinasabi ni Derek na edad 43  na, wife material si Andrea, 30.

Isang taon na ang kanilang relasyon na nag-start noong September 2019.

Mga two years from now ay handa  na nga raw pakasalan ni Derek si Andrea.

A lifetime commitment  nga raw ang pagpapakasal ng dalawang nagmamahalan.

Kaya pag-isipan daw mabuti at huwag padalus-dalos dahil ang pag-aasawa ay hindi biro.



Napag uusapan na raw ng couple ang kasal pero never silang nagmamadali to settle down.

Sa panig naman ni Andrea, kung yayayain nga raw ito ni Derek eh naka-ready na itong magpakasal.

***

Heaven Peralejo pumalag sa isyung 100k ayuda ni Pacquiao

AYAW na nga sana magsalita pa ni Heaven Peralejo sa isyung ikinakabit sa kanya.

Gusto na nga lang sana nitong dedmahin o huwag na lang pansinin ang nasabing intriga.

May kumalat kasi na tsika na nabigyan ito ni Sen. Manny Pacquiao ng ayudang 100k.

Kaya naman kabi-kabila  ang pamba-bash kay Heaven.

Kaya naman umalma ang dalaga at itinanggi na nanghingi ito ng ayuda sa pamilya Pacquiao.

Nasilip daw kasi ang kakaibang lifestyle ni Heaven kaya naisip ng mga basher na napadalhan ito ng ayuda ng pamilya Pacquiao.

Pero ayon sa dalaga, may pinagkikitaan naman daw siya na hindi na kailangan pang manghingi.

Nag-thank you rin si Heaven sa ex-bf na si Jimuel Pacquiao na pinabulaanan na nagbigay sila ng nasabing halaga sa ex gf.

Inaasahan ni Jimuel na titigilan na raw si Heaven ng mga basher.

Well, well, well…’Yun na! (Jovi LLoza)