Advertisers

Advertisers

Carlo Aquino never dinenay na daddy na, Rhea Tan ninang sa kasal

0 338

Advertisers

MARAMI ang bumilib sa premyadong actor na si Carlo Aquino nang aminin niyang isa na siyang ganap na daddy.

May iba kasing actor na sa pag-aalalang maaapektuhan ang kanilang showbiz career, walang habas sa pagtanggi at pagsisinungaling na may anak na.

Pero after a year ay mababalitaan na lang natin na nag-celebrate ng first birthday ang kanilang anak.



Ang iba naman, pagkatapos magpasarap sa kandungan ng kanyang dyowa, itatanggi ang ginawang bata.

Pero iba si Carlo, dahil binulaga niya ang marami sa kanyang Instagram post ng photo ng baby girl nila ng GF na si Trina Candaza na pinangalanang Enola Mithi Aquino.

Maraming nag-post sa FB ng pagbati kay Carlo, kasama na ang Beautederm CEO and President na si Ms. Rhea Anicoche Tan. Pagbati niya kay Carlo: Made me cry. So happy for you my original baby bunso Carlo Aquino! Congratulations Daddy Carlo.

Si Carlo ay isa sa pangunahing endorser/ambassador ng Beautederm. Bukod pa rito, malapit na kaibigan at parang kapatid na ang turingan nila ni Ms. Rhea sa tagal ng kanilang pinagsamahan.

December pa pala ay buntis na si Trina. Kaya pala kasal ang pinag-uusapan nang nag-renew ng contract si Carlo sa Beautederm last February.



Actually, bago mag-renew ng contract sa Beautederm si Carlo ay inamin na niya kay Ms. Rhea na buntis na si Trina.

Dito nga nagsabi ang lady boss ng Beautederm na magnininang siya sa kasal dahil may alam na pala ito sa kalagayan ni Trina.

Sa naturang event ay nag-offer si Ms. Rhea na handa siyang maging ninang nina Carlo at Trina, at willing siyang sagutin ang reception.

“Kung gusto mo, akin din ang reception, lahat… para sa iyo. Whatever makes you happy, nandito lang si ate and kuya mo (sir Sam Tan) for you. Mahal na mahal ka namin,” wika ng napaka-generous at award-winning businesswoman na si Ms. Rhea.

Well, probably ang next na mababalitaan naman natin kina Carlo at Trina ay ukol na sa wedding bells.

Congrats Carlo and Trina! (Nonie V. Nicasio)