Advertisers

Advertisers

Dahil sa pandemya… Nadine iwas na sa luho, enjoy sa simpleng pamumuhay sa bukid

0 238

Advertisers

DATING magarbo ang pamumuhay at lifestyle ng pamilya ni Nadine Samonte.

Pero ngayon, mas enjoy na sila sa simpleng pamumuhay sa farm nila sa Zambales.

Hindi naman sa naghihirap na si Nadine at ang kanyang mister, kundi na-realize raw nila na sa panahon ng krisis, mas naa-appreciate nila ang simpleng pamumuhay.



Naniniwala kasi silang sa ‘new normal’ dapat mas focused lang sa mga bagay na kinakailangan at bawas sa mga luho sa katawan.

Kaya kahit can afford silang mag-hire ng maraming katulong para gawin ang mga gawaing-bahay, mas gusto ni Nadine ang gagawa nito.

Katunayan, okey lang kay Nadine na madumihan ang kanyang mga kamay sa paggawa ng household chores.

Sa batang edad, tinuturuan na rin daw niya ang kanyang anak na si Heather ng mga gawaing-bahay para lumaki itong responsable.

“What a wonderful morning with my little Heather she is so sipag i let her do chores na din para at an early age marunong na sya at natuturuan na.



“Yes i love washing and ironing and cleaning mas gusto ko hands on ako sa ibang bagay kasi minsan our kids follow what we do.Thats the reason din kung bakit wala ako sa showbiz im enjoying every minute na kasama ko mga anak ko and my fam.

“I love doing anything for them at 11am natapos din kami haha sa dami nyang nilabhan namin ah at ang kulit ni Heather lumublub na din sya at kaya hiwahiwalay ang damit dahil hinahabol namin si mister sun. have a happy day everyone,” post niya sa kanyang Instagram account.

Si Nadine ay produkto ng StarStruck season 1 at isang Kapuso actress.

Ikinasal siya sa businessman na si Ryan Chua noong Oktubre 30, 2013. (Archie Liao)