Advertisers

Advertisers

CELEBRITY DOCTOR NA SI MENDEZ TIMBOG SA RAPE

0 278

Advertisers

NAARESTO na sa bisa ng warrant of arrest ang celebrity cosmetic surgeon na may-ari ng Skinology Spa and Wellness Center habang nasa loob ng mall sa Barangay Lapasan, Cagayan de Oro City.
Kinilala ang akusado na si Dr. Joel Mendez, residente sa Quezon City.
Inaresto si Mendez matapos ma-convict ng attempted rape at 2 counts of rape.
Inihayag ni Police Regional Office 10 spokesperson Lt Col Mardi Hortillosa na mismo si Regional Trial Court Branch 5-FC Mandaluyong City Presiding Judge Joanne Hernandez-Lazo ang naglabas ng warrant of arrests laban sa 60-anyos na doktor.
Inihayag ni Hortillosa na kasalukuyang naka-detain si Mendez sa Maharlika Detention and Rehabilitation Center ng lungsod at nakatakdang ibiyahe pabalik sa Metro Manila anumang araw ngayon linggo.
Dagdag ng pulisya, dati nang inaaresto si Mendez noong Hulyo 12, 2018 subali’t nakapiyansa dahil sa alegasyon na nangmolestiya ng 17-anyos na model ng kanyang Mendez Medical Group noong 2015.(PFT team)