Advertisers
NAGREKLAMO ang isang babae nang bigla na lamang siyang iwan ng kanyang live-in partner na nakatakda na sana silang ikasal.
Ayon kay Mary Joy Alvarez, handa na ang lahat para sa kasal nila ni Jero Borja nang biglang hindi na ito nagparamdam sa kanya.
Kwento pa ni Mary Joy, may anak na siya pero sinabi naman ni Jero na handa siyang panindigan ito at pakasalan siya kahit tatlong buwan palang silang magkasintahan.
Dagdag pa ni Mary Joy, matapos makialam ang tiyahin ni Jero sa kanilang relasyon, naglaho na ito na parang bula.
Napag-alaman ni Mary Joy na may utang si Jero sa pinagtratrabahuhan nito na P35,000 at pinapili si Jero ng tiyahin na bibigyan siya ng perang pambayad kapalit ng hindi pagpapakasal kay Mary Joy.
Paliwanag naman ng nanay ni Jero, hindi niya pa nakikilala si Mary Joy. Pero, handa ang pamilya nila na pumunta sa bahay nila Mary Joy para humingi ng tawad sa kanya at pamilya nito.(PFT team)