Advertisers
NASAWI ang apat na indibidwal sa bumagsak na military helicopter sa Basilan province nitong Miyerkules ng tanghali, Setyembre 16.
Isa sa mga sakay ng chopper si Airman 2nd Class Benedicto Leal Jr., habang inaalam pa ang 3 sa mga sakay nito
Sa ulat, 1:00 ng hapon nang bumagsak ang aircraft ng Philippine Air Force 505 Search and Rescue na may tail number 202 sa Barangay Upper Manggas sa bayan ng Lantawan.
Ayon kay Maluso Mayor Hanie Bud, sumadsad ang helicopter sa pagitan ng Lantawan at Maluso.
Kasalukuyan namang isinasagawa ang retrieval operation para sa apat na pasahero. (M. Obleada)