Advertisers
LIMAMPU’T APAT (54) na Warrants of Arrest ang isinilbi ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Anti-Fraud and Commercial Crimes Unit (AFCCU) laban sa dating payroll processor ng Nestle Business Services AOA, Inc. na nagtakas sa mahigit P2.5 million cash.
Ang inaresto ay nakilalang si Elphie Muldong, Martes ng umaga (11:00) sa bisinidad ng McDonald’s Foodchain parking lot sa kahabaan ng MacArthur Highway, Malolos, Bulacan.
Ang pag-aresto ay base sa hininging tulong ng Nestle Business Services AOA, Inc., na nire-represent ni Atty. Leolaida Aragon ng R.V. Domingo and Associates Law Firm noong September 8, 2020 para isilbi ang arrest warrants, lahat sa mga kasong Qualified Theft na inisyu ni Hon. Grace V Cruz, Judge of Branch 22, RTC City of Malolos, Bulacan na may piyansang P40,000.00 bawat isa, may kabuuang P2,160,000.00.
Nag-ugat ang kaso laban kay Muldong nang mabuking ng kumpanya na nakakulimbat ito ng halagang P2,549,790.46. Gumawa raw ito ng 67 unauthorized money transfers mula sa Nestle employees’ payroll accounts sa dalawa sa kanyang BPI accounts mula January 2017 hanggang March 2019, dahilan para kasuhan siya ng kumpanya.