Advertisers
NASAGIP ng mga militar ang mga menor de edad na ginagawang sex slave ng mga NPA sa Sitio Canawayan, Barangay Rizal, Kananga.
Sa ulat, matapos ang rebelasyon ni alyas Lea, 14 anyos, unang nasagip ng 93IB sa engkuwentro laban sa mga teroristang NPA sa Sitio Canawayan, mayroon siyang mga kaibigan na nire-recruit ng mga NPA.
Sa report, mabilis na umaksyon ang grupo ng Kananga LGU, Rizal BLGU, MSWDO, MHO, Kananga MPS Women’s Desk at 93IB, nagtungo sa Sitio Canawagan nitong September 14, 2020 at nasagip ang isang alyas Mely, 15, muka sa kamay ng Anakpawis at NPA.
Isinagawa ang nasabing operasyon sa pakikipagtulungan narin ng mga magulang ni Mely.(J. de Jesus)