Advertisers
PINALAGAN ng grupo ng mga magsasaka ang $275 Milyon Dollar na inutang ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa World Bank para suportahan lamang umano ang programa nitong parcelization ng mga lupang sakahan ng mga magsasaka na hindi naman umano makakatulong para sa pagsusulong ng repormang agararyo.
Sinabi ni Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) chairperson Danilo Ramos gagamitin lamang umano ng DAR ang inutang nito sa World Bank para i-parcelize ang may 1.2 milyon hectare na lupang sakahan para sa 1 milyon magsasaka na benipisaryo.
Ayon pa kay Ramos na ang programa na parcelization ng DAR ang programa umano nitong Support to Parcelization of Land to Individual Title (SPLIT) para sa mga magsasaka na hindi naman umano makakatulong para sa isinusulong nitong Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) na matagal ng nailibing umano sa hukay.
Sinabi pa ni Ramos na bakit umano desperado ang DAR para ipatupad ang programang Support to Parcelization of Land to Individual Title (SPLIT) at ang Comprehensive Agrarian REform Program (CARP) na patay na ito at nailibing na umano sa hukay. (Boy Celario)