Advertisers

Advertisers

Umaasa sa SAP 2 mga senior ng Brgy. 118, Caloocan City

0 386

Advertisers

Gud day po. Ask ko lang po kung kelan makukuha yung 2nd tranche ng SAP? Kasi hanggang ngayon po hindi parin po kami nakakakuha. Ang sabi po kasi mag-register daw po sa G-cash tapos hintayin daw yung text e September na po, wala parin pong text. Sana po mapansin ‘tong mensahe dahil dito po samin puro senior po. Dapat di po nila pinapaasa. Salamat po. – Brian po ng Brgy. 118, 4th Avenue, Caloocan

Mga umaasa ng SAP 2 sa Brgy 229, Manila
Panawagan sa DSWD: May SAP 2 na po ba? Wala po kami natatanggap dito sa Barangay 229, kay Tserman Limfa. Wala pa kami nakukuha kahit isang singko dito. Barangay namin walang silbi. Marami po hindi pa nakakatanggap ng SAP dito. Salamat po – Umaasa ng SAP

Paagahan ang biyahe ng mass transport
Pwede siguro lahat ng transportasyon ay agahan ang umpisa ng pasada, tren man o bus o jeep, mag-start ng 4am. Sigurado pagdating ng rush hour kokonti na lang ang mga pasahero. Attention: DOTr at iba pang govt agency. – Concerned citizen



Mga seniors pinapipila sa gitna
ng init ng araw sa pagkuha ng SAP
TEXT BRIGADE. PAGBIBIGAY NG 2ND TRANCHE NG AYUDA MULA DSWD. PILA NA NGA ANG MGA TAO LALO PANG PINAHIHIRAPAN SA PAGPILA. KUNG SAAN NAKALAAN NA BANGKO ANG PAGWIDRAW NG 2ND TRANCHE NG DSWD. KAAWA-AWA ANG ATING MGA KABARANGAY, MGA SENIOR NA NAKAPILA. MAY MGA SAKLAY PUWEDE NAMAN SA MGA SCHOOL PARA DOON PAPILAHIN, HINDI YONG NAKAPILA SA INIT NG ARAW, NASA TABI NG KALSADA. NAKAKATAKOT. HINDI PA NASUSUNOD ANG SOCIAL DISTANCING. KAYA MAHAL NAMING ALKALDE NG MARIKINA, KAMI AY INYONG GABAYAN PARA MAISAAYOS ANG LAHAT TULAD NG DATI. KAWAWA ANG MGA SENIOR NA WALANG KASAMA SA BAHAY. – MATA NG LANSANGAN.