Advertisers

Advertisers

Leave it to the experts ha DOTr!

0 279

Advertisers

Hindi biro ang kinahaharap natin kalaban, ang COVID-19 – hindi nakikita kaya ang lahat ay pinakikiusapan ng pamahalaan na mag-ingat. Hindi naman lingid sa kaalaman natin na patuloy na pumapatay ang virus lalo’t wala pang bakuna laban dito.

Para makontrol ang pagdami ng mahawaan, nakikiusap ang gobyerno sa lahat na sumunod sa mga ipinaiiral na health protocols.

Isa sa protocol ay ang social distancing, kailangan isang metro ang layo ng bawat isa,



Pinayagan ng pamahalaan na bumalik sa lansangan ang ilang pampublikong sasakyan sa kondisyon na dapat sumunod ang operators sa kalakaran – ang social distancing para sa mga pasahero. Hindi lamang estriktong one meter away ang ipinaiiral ngayon sa mga public transport kung hindi kabilang na rin ang pagsusuot ng mga pasahero ng face mask at face shield.

Kaya ang batas sa pagsakay ngayon sa mga pampublikong sasakyan ay “no face mask/shield, no ride”. Tama lang!

Pinaiiral ang mga kalakaran para maiwasan ang hawaan sa loob ng sasakyan. Katunayan maging nga sa pagsakay ng pribadong sasakyan ay estrikto ring pinaiiral ang protocols.

Batid natin na hindi biro ang kalaban “veerus” pero, ano bakit tila’y nagmamagaling ang pamunuan ng Department of Transportation (DOTr). Gumawa ng sariling batas o desisyon para sa pinaiiral na distansya para sa one-meter ayaw social distancing.

Nagpalabas ba naman ng sariling “guidelines” ang DOTr. Pinaiksi ang sukat ng one meter social distancing sa loob ng mga pampasaherong transportasyon. Ang dating isang metro ay ginawang .75 meter.



Naku po! Sa isang metro na lang nga ay maraming naghahawaan, lalo na siguro sa .75 meter. Teka, kailan pa ba naging health consultant ang mga nakaupong matatapang sa DOTr? Huwag nang makialam sa trabaho ng mga eksperto sa kalusugan. Hayaan na lamang ang mga eksperto na pag-usapan ang suhestisyon niyo (DOTr) at hindi iyong basta-basta na lamang ninyong ipinatutupad. Hindi porke dabarkads ka ng Pangulo ay sige na lamang sa paggawa ng sariling desisyon Hindi ba Dr. este Sec. Arthur Tugade? Kaligtasan ng mamamayan sa COVID-19 ang pinag-uusapan po dito.

Kung ang presidente nga ay parating nananawagan sa publiko na mahigpit pairalin ang isang metrong distansya, dapat ganoon din po tayong lahat. Kung maari nga e, two meters away para mas sigurado.

Huwag nang intindihin ang kaunting kita ng mga pampublikong transportasyon at sa halip, mas mahal ang magpagamot.

Kaya nararapat lang na bawiin ng DOTr ang sariling basta at sa halip, leave it to the expert ‘ika nga. Yes, Mr. Secretary Tugade, hayaan niyo ang DOH o IATF sa paggawa ng desisyon kung kailan dapat na bawasan ang sukat na distansya.

Kaya nga binuo ng Palasyo ang IATF para sa COVID-19 para maiwasan ang pagdami ng biktima ng COVID pagkatapos ay balewain ito ng DOTr. Mismong si DILG Sec. Eduardo Año na rin ang nagsabi na hindi man lang kinonsulta ng DOTr ang health professionals o ang DOH at IATF.

Huwag ganoon Ginoong Kalihim, hindi porke close ka sa Palasyo ay gagawa ka na ng sariling basta. Anyway, naniniwala naman si Año na babawiin ni Tugade ang kanyang “sariling basta”.