Advertisers

Advertisers

Isko, nanawagan sa mga opisyal at empleyado ng City Hall na mag-move on na sa nakaraang eleksyon

0 248

Advertisers

NANAWAGAN si Manila Mayor Isko Moreno sa lahat ng opisyal at empleyado ng Manila City Hall na mag-move on na sa katatapos na eleksyon at makipag-ayos na sa mga nakagalit dahil sa isyu ng pulitika.

Umapela din siya sa lahat na huwag makisali sa kahit na anong political activities dahil magdudulot lamang ito ng pagkakahiwa-hiwalay, dahil obligasyon ng bawat Pinoy na suportahan ang gobyerno.

Pinasalamatan ni Moreno ang mga opisyal at empleyado sa pagtulong sa pamahalaang lungsod at “for being with me all the way” lalo na sa kasagsagan ng pandemya.



“Habang ang lahat nangangapa sa dilim, tanging ilaw lamang ng city government and natakbuhan ng mga kababayan hindi lamang sa Maynila kungdi sa buong bansa,” sabi niya.

Nagpasalamat din ang alkalde sa ginawang pagsuporta sa tambalan nina Mayor-elect Honey Lacuna at vice mayor-elect Yul Servo na binati niya rin ang mga ito kasama ang anim na Congressmen at 36 councilors na pawang nagsipanalo.

Ngayong tapos na ang aleksyon, hinikayat ni Moreno ang lahat sa na makiisa sa paghilom ng bansa.

“Ipalaganap ninyo ang paggalang.. ang respeto sa isa’t-isa. Ngayon, tayo, ilang libo tayo, sa atin magsimula. Let’s heal our country. We should not be part of division. We should continue to believe that the system will work no matter how hard it is,” sabi niya.

Hinimok din ni Moreno ang bawat isa na makipagbati na sa kanilang mga kamag-anak, kaibigan at maging sa kanilang pamilya na kanilang nakagalit dahil lamang sa pulitika. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">