Advertisers
ISANG kupaling nilalang ang hindi lamang inirereklamo ng mga residente ng Barangay Mambugan, Antipolo City kundi kinokondena rin ng mga deboto ng isang simbahan sa nasabing lugar.
Itong si Bhert kasi ang operator ng ilang sugal tulad ng “color game” at “dropball” na ipinuwesto sa harap mismo ng isang simbahan sa naturang area.
Nito ngang nagdaang Mahal Na Araw, nakipagkumpetensiya ang puwesto nitong si Bhert Kupal sa mga deboto na nagtutungo sa naturang simbahan para mangilin.
Kung gaano kakapal ang mga taong nagtutungo sa simbahan, ganoon din kadami ang mga tahor na tumataya sa “pergalan” o peryang may sugal ni Bhert Kupal.
Matapos natin maibulgar sa pahayagang ito ang sugalan ay binigyan naman agad ng tugon ng lokal na pamahalaan at isinara.
Ngunit makalipas nga ang ilang araw, anong nangyari mga Sir/Ma’am?
Bakit tila pinagbigyan lamang ang panawagan ng mga deboto ng simbahan at back to business nanaman ang kupal.
Inusog lamang ng halos isang daang metro mula sa simbahan ang pwesto at sinakop pa ang kalsadang pinondohan ng gobyerno para mapabilis ang daloy ng trapiko.
Alam umano ng kapitan ng nasabing Brgy. ang pag ukupa sa kalsada na pinagtatayuan ng sugalan, dahil lantarang binabantayan umano ito ng kanilang Brgy. Tanod na nakabalagbag sa kalsada maging ang service vehicle mismo ng brgy.
Hindi lamang isang pwesto, nadagdagan pa sa kahabaan ng marilaque hiway ang mga iligal na pergalan.
Sa kasunod na Brgy. naman sa Padilla, dito sa tinatawag na puting bato meron isang sugalan din na sinasabing pagaari din nitong si bhert kupal na sa tabi pa rin umano ng isang simbahan.
Bakit binibigyan ng permiso ng mga Brgy. at ng mismong Lungsod ang ganitong klaseng hanap-buhay na kundi sa harapan mismo ng simbahan eh, ilang hakbang lamang sa mga sagradong tahanan ng Diyos.
Bakit pinahihintulutan din na gamitin ang pinondohan ng daang milyon na kalsada na para sana lumuwag ang daloy ng trapiko at magamit bilang pedestrian o sidewalk ng mga tao.
Fyi, lamang mga Sir/Ma’am, pwede naman siguro ang ilang mga perya na tradisyon ng nakikita lalo na pag piyesta ng parokya, pero yaong mga amusement games at rides lamang, wag po natin haluan ng sugal.
Wag din ipagamit ang mga kalsada para pwestuhan lamang ng mga peryahan lalo na meron iligal na sugal.
Konting respeto naman sa mga kapatid nating deboto ng mga simbahan at higit sa lahat sa mismong simbahan.
Tila harap-harapan na kasing pambabastos sa mga simbahan ang ginagawa ng kupal na gambling lord tulad ni Bhert.
Nagkakalat sa Lungsod ng Antipolo ang kupal na ito, na opisyo ng pagsusugal ang itinuturo sa mga tao.
Ang siste bakit ganoon na lamang kalakas ang operator na si Bhert kupal ng nasabing iligal na sugal sa Antipolo PNP na pinamumunuan ng malatubang si Lt. Col.Jun Paolo Abrasado.
Kernel ‘wag naman masyadong garapalan ang diskarte, pati ba naman bahay simbahan ay lantaran nang nababastos nang dahil sa punyetang “timbrehan”.
Para kay Bhert Kupal na operator ng mga “pergalan” dyan sa Lungsod ng Antipolo, it’s either lumayas ka dyan sa puwesto mo, o si Col. Malasado este Abrasado ang mapalayas sa kanyang puwesto!
Mamili ka Bhert Kupal!
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com