Advertisers

Advertisers

KAILANGAN SA DOE: EKSPERTO HINDI PULPOLITIKO!

0 1,435

Advertisers

SA napipintong pag-upo ni PRESIDENT ELECT BONGBONG MARCOS bilang ika-17th PRESIDENT sa Hunyo.., higit na kailangan ngayon ang ibayong pagkilatis sa mga itatalaga sa iba’t ibang departamento.

Tulad na lamang sa ipinupunto ng lider-negosyante na si SERGIO ORTIZ-LUIS JR na tumatayong EMPLOYERS CONFEDERATION OF THE PHILIPPINES (ECOP) PRESIDENT na bukod dito ay itinuturing din siyang haligi sa likod ng PHILIPPINE CHAMBER OF COMMERCE AND INDUSTRY (PCCI) at PHILIPPINE EXPORTERS CONFEDERATION (PhilExport).., ay kinakailangang may EXPERTISE o KAALAMAN ang maitatalagang lider para sa DEPARTMENT OF ENERGY (DOE).

Sa nakalipas na tatlo’t kalahating dekada ay mistulang gantimpala na sa mga sumuporta sa kandidatura ng mga nagdaang Pangulo para maitalaga sa mga sensitibong posisyon sa pamahalaan.., kabilang na rito ang DOE na isang kagawarang dapat na mailuklok ay EXPERT sa larangan ng ENERGY.



Usap-usapan sa hanay ng mga kilalang negosyante ang hangad na pamunuan ng artistahing anak ni EX-PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO ang DOE. Sa totoo lang.., lubhang kritikal ang naturang departamento dahil sa enerhiya nakasalalay ang ekonomiya ng bansa.

Paano ang operasyon ng mga pabrika kung walang kuryente? Ang mga mag-aaral, paano mag-aaral kung nababalot ng karimlan at maalinsangan ang silid-aralan? Paano pupunta ang mga manggagawa sa kanilang trabaho kung tuluyan nang tatalikuran ng mga tsuper at operator ang pamamasada dahil sa sukdulang taas ng presyo ng krudo at gasolina?

Ilan lang yan sa mga malulumpo sakaling maluklok sa DOE ang isang Kalihim na ignorante sa masalimuot na sektor ng enerhiya.

Higit na angkop na maiupo sa naturang ahensiya ang isang taong nakapagpamalas ng husay, sapat na kaalaman at tapang na manindigan sa ikabubuti ng bansa.., na ang dapat mailuklok ni incoming PRES. BONGBONG MARCOS bilang susunod na KALIHIM ng DOE ay yaong may kadalubhasaan sa ENERGY .., na mas mainam kung mismong taga-loob ng DOE ang maitalaga.

Sa isang banda, tama rin naman.., dahil hindi na kailangan pang pag-aralan ang itatalagang DOE Secretary. Walang masasayang na oras lalo pa’t higit na kailangan ang agarang tugon ng gobyerno sa gitna ng nag-aalimpuyong sentimyento ng iba’t ibang sektor bunsod sa dagok na dala ng napakamahal na kuryente at produktong petrolyo.



Hindi kailangang sumugal ang susunod na PANGULO sa bulong ng isang kaalyadong nangungulit ipuwesto sa DOE ang anak na si MIKEE ARROYO.., na nahaharap sa kabi-kabilang asunto kabilang ang tax evasion.

Hindi pwedeng tawaran ang posisyon ni SOL, lalo pa’t itinuturing siyang haligi sa larangan ng komersiyo.

Hindi hamak na mas alam ni Ginoong ORTIZ-LUIS JR, ang kahihinatnan ng bansa kung isang TRAPO o PULPOL na POLITIKO na naman ang hahawak ng naturang departamento!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.