Advertisers

Advertisers

Dahil fulltime mom… Marian umatras na sa teleserye nila ni Gabby na “First Yaya” sa GMA, Mapapanood pa rin sa ‘Tadhana’

0 421

Advertisers

IT’S been six months na hindi na nakukumusta ng kanyang core press group ang sikat na na actress-TV host na si Marian Rivera. Alam naman natin ang rason na dinale tayong lahat ng Covid-19 pandemic.

Last Saturday kahit sa pamamagitan ng virtual interview ay nakipag-chikahan via Zoom sa aming lahat si Marian na mother of two pero hindi pa rin nagbabago ang kagandahan at kaseksihan.

Ang manager at nanay-nanayan ni Marian na si Sir Rams David ang nagsilbing host kasama ang dalawa sa moderator din na sina Tito Jun Nardo at gwapo at ma-PR na si Tristan Cheng na handler ni Yan-Yan. Unang kinumusta ng press ay kung ano ang ginawa ng actress during lockdown? Hindi raw nasayang oras niya dahil bukod sa naasikaso niya ang kanyang mga anak na sina Zia at Sixto at hubby si Dingdong Dantes ay nabigyan niya ng oras ng online class ni Zia gayundin ang kanyang classy flower shop na Flora Vida na araw-araw ay dinudumog ng kanilang mga kliyente.



Nagkwento rin si Marian tungkol kay Dingdong na nag-umpisa na raw uling magtaping ng “Descindants of the Sun.” Pero bago raw niya ito pinauuwi sa kanilang bahay ay kailangan ay 3 days munang naka quarantine ang kanyang asawa para nang sa ganoon ay safe sila sa coronavirus lalo’t ang inaalala niya ay maliliit pa ang mga anak nila ni Dong. Pero hindi raw makatiis ang kanyang hubby actor at gusto na agad silang makita ni Zia at Sixto.

Samantala, agad na nilinaw ni Marian ang blind item, na lumabas na pinalitan na siya sa “My First Yaya” na pagtatambalan nila ni Gabby Concepcion. Aminado si Marian na hindi na talaga niya magagawa ang malaking teleserye nilang ito ni Gabby sa GMA-7 dahil hindi niya kaya ang lock-in taping na maiiwan niya ang mga anak nila ni Dingdong. Kahit nakipag-compromise raw ang mother network na thrice a week lang ang taping niya sa nasabing serye tapos pwede na siyang umuwi, hindi pa rin niya ito tinanggap dahil devoted mother nga siya.

At laking pasasalamat ni Marian at parati siyang naiintindihan ng management ng GMA, kaya papalitan na lang siya at aprubado raw sa kanya kahit na sino pa ang mapili na maging kapareha ni Gabby. Biro nga raw niya sa kanyang kuya Gabby, baka may balat sa puwet ang actor at hindi matuluy-tuloy ang kanilang tambalan na dapat ay noon pa raw nangyari.

Para naman sa kanyang fans and supporters ay wala silang dapat na ikalungkot dahil patuloy nilang mapapanood si Marian sa weekend show na hino-host nito na “Tadhana” na hanggang ngayon ay mataas pa rin ang ratings. Si Dingdong Dantes daw ang nag-aasikaso at nagdi-direk sa kanya kapag nagte-taping sila ng Tadhana sa kanilang bahay na twice a month muna and then 4 times a month sa susunod. Mapapanood ang

Tadhana tuwing Sabado ng 3:15 PM bago ang Wish Ko Lang sa Kapuso network.



***

Direk Reyno Oposa, May Bagong Proyekto Para Sa Indie Actor Na Si Tonz Are at iba pa

Very generous and supportive talaga si Direk Reyno Oposa na pati indie actors na pahinga sa shooting dahil sa Covid-19 pandemic ay binigyan na rin nito ng project para sa isang music video na ayon pa sa post ni Direk Reyno sa kanyang FB official ay “A Music Video to Watch.” Yes, may pa-surprise ang kaibigan naming director sa bagong project niyang ito para sa indie-actor businessman na si Tonz Are na nakagawa ng maraming proyekto.

Dalawa pang indie actors ang isinama ni Direk Reyno at ayon sa kanya ay mahuhusay rin ang mga ito kaya maganda ang kinalabasan ng Music Video na soon ay mapapanood na sa kanyang Youtube channel na Reyno Oposa Official.

Hindi pa dini-divulge ng nasabing director kung ano ang tipo ng kanta at kung sino ang kumanta ng upcoming MTV niyang ito na sabi ay pag-uusapan daw dahil bukod sa may aktingan ay nagpa-sexy rito ang kanyang mga actor. By the way, maliban sa kanyang The Star Icon search na open para sa lahat ng singer/rapper ay may bagong pakulo o pakontes si Direk Reyno para sa dinirek at produced na dance video na “Walang Kagaya” and welcome sumali rito ang Tiktok fanatics.

Narito ang requirements, guidelines, and mechanics for Tik Tok Challenge 2020 Edition. Requirements: Watch, like, and subscribe “Walang Kagaya” Official Music Video to https://youtu.be/WadXUo3fdn8. At para naman sa mechanics, Gumawa ng tiktok video gamit ang kantang “Walang Kagaya,”https://youtu.be/WadXUo3fdn8 gamit ang hashtag na #Walangkagayachallenge2020. I-post ang iyong tiktok challenge video sa iyong Facebook account at ilagay ang description na Walang Kagaya (Music Video) Link: https://youtu.be/WadXUo3fdn8 with the #Walangkagayachallenge2020.

And for the criteria: 50%-Judging, 30%-Creativity, and 20% for showmanship.

Ang cash prizes na pwedeng mapanalunan sa said contest ay para sa champion-P3,000, Ist prize-2,000 and 1,000 para naman sa mapipiling second prize winner. (Peter S. Ledesma)