Advertisers

Advertisers

Kitkat excited at kabado sa pagsisimula ng noontime show

0 382

Advertisers

LAST Monday, September 14, nagsimula na ang bagong noontime show nina Kitkat, Anjo Yllana, at Janno Gibbs sa Net25, Eagle Broadcasting Corporation na pinamagatang Happy Time.

Ito ay napapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, sa ganap na 12 noon hanggang 2 in the afternoon. Ang bagong kombinasyon nina Kitkat, Janno, at Anjo ay sinasabing maghahatid ng saya at pag-asa sa madlang televiewers.

Last week ay naka-chat namin si Kitkat at inusisa namin ang versatile na singer/comedienne kung ang nafi-feel ba niya ay kaba or mas nae-excite siya sa kanilang bagong show?



Esplika niya, “Sobra pong excited at kinakabahan pero more on super-excited, kasi kapag nagpe-perform po talaga ako or basta may hawak na akong mic, super nakaka-happy at therapy po talaga sa akin sa anxiety disorder ko.

“Kaya naman iyong araw-araw na pagpunta sa studio at makasama iyong dalawang kuya at mga batikang komedyante at hosts ay super nakaka-push sa akin. Na everyday ay nilu-look forward kong gumising nang maaga at magtrabaho. Kaya nga po sabi nila kahit gabi na, grabe pa rin energy ko, eh. Gusto ko po kasing ipakita na hindi po sila nagkamali na ako po ay isa sa kinuha nilang host.”

Noong una ay inanunsiyo na silang dalawa lang ni Anjo ang host ng naturang variety show, ngunit kinalaunan ay nadagdag si Janno.

Ano ang reaction niya?

Wika ni Kitkat, “Sobrang saya po at ang gaan po, gustong-gusto ko pong kasama si kuya Janno sa stage, lalo na po kapag kantahan na.



“May mga tanong ako sa kanya about sa pagkanta, sa ‘pag-second voice, etcetera.  Marami po kaming kuwentuhan, ‘tsaka sabi pa nga niya na kapag gagawa ako ng album o kanta, siya raw ang magpo-produce, eh. Hehehe.  Kaya nakakatuwa po talaga, sobra…

“Actually, masaya po kami ni Kuya Anjo kapag magkasama kami, pero mas pa ngayon na may Janno Gibbs pang nadagdag. Mas maraming kabatuhan, mas masaya po.”

Paano niya ide-describe ang chemistry nilang tatlo?

Mabilis na sagot ni Kitkat na isa sa mga endorser din ng BeauteDerm, “Smooth!”

“Parang normal at totoong buhay lang po. Hindi po need ng script, kasi iba na po iyong bonding naming tatlo, eh,” masayang sambit pa niya.

Samantala, sa isang panayam naman kay Anjo ay nabanggit niyang ang kanilang noontime show ay hindi lang maghahatid ng entertainment ngunit may segments din na tutulong sa mga taong naapektuhan ng pandemic.

“May public service rin… tumutulong sa mga nangangailangan,” pakli ni Anjo.(Nonie V. Nicasio)