Advertisers

Advertisers

Dinepensahan din ng ex na si Jimuel… Heaven pumalag sa akusang nanghingi ng pera kay Pacman

0 261

Advertisers

NAKATANGGAP ng pamba-bash si Heaven Peralejo kaugnay umano ng insinuwasyon ng  beteranang showbiz columnist na si Lolit Solis na humingi raw ito ng tulong kay Sen. Manny Pacquiao.

Sa hanash pa ng kolumnista, sa halip na si Pacman, ang misis daw nitong si Jinkee Pacquiao ang nagkaloob ng tumataginting na P100k kay Heaven.

Dahil dito, may mga nagsasabing in bad taste raw ang paghingi ng tulong ng dalaga at baka mapagkamalang sugar daddy niya ang Senador.



Para raw walang malisya, dapat daw ay kay Jinkee na lang ito lumapit dahil kabaro niya ito para hindi mabigyan ng iba pang kulay.

Dahil sa alingasngas na ito, pinararatangan ng netizens ang aktres na walang delikadesa, to think na noong una raw ay hindi naging maganda ang naging hiwalayan nito kay Jimuel, panganay ng mag-asawang Pacquiao.

Sa mga alegasyong ito, ipinagtanggol ng talent manager na si Ogie Diaz ang kanyang alagang si Heaven Peralejo.

Sey ni Ogie, never daw gagawin ito ni Heaven dahil may pera itong kinita galing sa endorsements.

Sa kanya namang IG account, ipinagtanggol ng aktres ang sarili sa mga akusang nanghingi siya ng pera sa Pambansang Kamao.



Aniya: “The past weeks have redefined the public’s impression of me. It was hurtful and I needed some time to think it through. I’ll get straight to the point. I didn’t ask anyone for money.

“I am beyond grateful that I am blessed with opportunities to earn an honest living.

“Whatever I have now is a product of hard work and not extracted from anyone’s pockets.

Thank you Jim and  his family. I appreciate your efforts to stand with me. As well as to my family, friends and supporters, thank you for always looking after me. I hope we can all move forward from this issue.”

Nakakuha naman ng suporta si Heaven sa twitter world kaya nag-trending ang “ApologizetoHeaven#” na pinahihingi ng dispensa ng netizens ang beteranang columnist  at ang fashion pulis sa mga naiulat nila kay Heaven. (Archie Liao)