Advertisers
TIMBOG ang tatlo katao na sangkot sa Golden Triangle drug syndicate sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa Parañaque City nito Lunes, Setyembre 14.
Kinilala ang mga naaresto na sina Mangie Sotolombo, 49; kasama ang 27-anyos na drayber na si Carlos Vallente; at alyas Marvi, 50.
Nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tinatayang 24 kilong shabu na nagkakahalaga ng mahigit P163.2 milyon mula sa target na si Sotolombo
Natagpuan ang droga sa loob ng Chinese tea bags.
Batay kay PDEA National Capital Region director Adrian Alvariño, subhead si Sotolombo ng Golden Triangle drug syndicate na nag-o-operate sa Southeast Asia.
Nakakulong ang tatlo at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. (Mark Obleada/Gaynor Bonilla)