Advertisers
AABOT sa higit sa P.1 milyong shabu ang nasamsam sa dalawang drug suspects na mag-anak, Lunes ng madaling araw sa Pasay City.
Kinilala ang mga nadakip na sina Pilipina Marasigan alias “Pinak”, 40, dalaga; at Renato Marasigan alias “Toto”, 34, kapwa nakatira sa #199 Saint Francis St., Barangay. 178, Pasay City.
Sa report, 1:45 ng madaling araw nang madakip ang mga suspek sa buy-bust operation ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit (DEU), Pasay City Police Station.
Nasamsam sa mga suspek ang 16 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P108,800.00. (Gaynor Bonilla)