Advertisers
ARESTADO ang isang babae na tulak ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency – Region 3 at Manila Police sa Tondo, Maynila.
Kinilala ang nadakip na si Belinda B. Buzon, 32 ng #704 Delpan Street, Binondo, Maynila.
Tinatayang 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P680,000 ang nakuha sa pag-iingat ng suspek.
Sa report, konektado si Buzon sa isang malaking sindikato ng bawal na droga sa Central Luzon na kabilang sa high value target ng mga otoridad.
Kakasuhan si Buzon ng paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Jocelyn Domenden)