Advertisers

Advertisers

AGUILAR NG URCC-MMA AYAW SA PBC SPORTS COMMISSION NI SEN. PACQUIAO

0 330

Advertisers

LUMALAWIG pa ang unified resistance sa combat sports community.
Nagpahayag ng disgusto ang Universal Reality Combat Championship-Mixed Martial Arts (URCC-MMA) sa bagong panukalang magtatag ng bagong sports commission sa mga professional combat sports sa bansa at tiniyak ang patuloy na suporta sa Games and Amusements Board (GAB) bilang tanging governing body para sa kanilang hanay.
“GAB has always looked after the welfare of professional athletes even before and during pandemic COVID-19 and this bill will be untimely and insensitive to the plight of the Filipino combat athletes and the people,” boses ng mga mixed martial artists.
Bago ang outbreak ng corona virus pandemic kung saan nalagay sa mahigpit na community quarantine ang Pilipinas, ang mga boxing promoters, match makers at managers pati mga asosasyon sa wrestling and mixed martial arts sa pangunguna ng URCC- MMA na pinamumunuan ni Alvin Aguilar ay nagsasa-bing ang naturang Senate Bill ay isa lang ‘copycat’ sa mandato at adbokasiya ng GAB ‘para sa professional sports mula pa noong 1951.
“GAB is working closely with athletes of professional leagues and organizations. Walang negative sa GAB, talagang trabaho para sa sports. During the pandemic, lalong naramdaman yung tulong ng GAB. Yung mga benefits na sina-sabi sa Senate Bill, ginagawa na iyan ng GAB noon pa,” ani Aguilar na pinuno din ngWrestling Association of the Philippines at Jiu-jitsu Association. “Basta kami sa MMA, okey na sa GAB. Nag-submit na kami ng position papers sa Kongreso dati kaugnay ng aming pagtutol sa panukalang Philippine Boxing and Combat Sports Commission Act of 2018 ni Senator Manny Pacquiao.”
Kamakalawa ay nagpahayag din ng di pagsang-ayon ang isang grupo pa ng contact sport Muaythai Association of the Philippines (MAP) sa naturang panukala ng Senador na isang boxing icon.(Danny Simon)