Advertisers
PALAGING MAY MITING ANG NARS AT DOKTORA. YAN ANG SAGOT. PALAGING GANYAN ANG SAGOT NG MGA ATTENDANT. DAPAT ISARADO NALANG ITONG ATANG DELA RAMA SA GAGALANGIN, TONDO, MANILA . AT MGA SUPLADA PA ANG MGA ATTENDANT DITO. DAPAT MAY GMRC PA TAYO (GOOD MANNERS AND RIGHT CONDUCT). WALA NA ATA SILA NIYAN? DAPAT DISIPLINA ANG KAILANGAN SA MGA TRABAHADOR NG BAYAN. – Concerned citizen
Mga abusadong nagpapaupa
ng bahay sa Maynila
Txt Brigade, nabasa ko yong nag-txt sayo ng taga-Tumana, Marikina City na ginawang negosyo ang bawat cubic meter ay 40 pesos mura, pa nga yan. Dito sa Maynila bandang Recto may nagpapaupa ng bahay sa squatter area, bawat bahay may sariling submeter, dati 40 pesos tapos di nagtagal ginawang P50 per cubic. Ngayon may pandemic ginawa na naman P60 per cubic meter. Dito lang yan sa Estero de San Lazaro, sakop ng Brgy. 313. Nakakaawa ang mga umuupa sa mag-asawa na Cabading. – Concerned citizen
Mga adik at tulak sa Brgy. 337, Manila
Good day. Report ko lang ‘tong mga user at pusher ng Brgy. 337 zone 34, Manila, untouchable. Dito yan sa may tabi ng Raquel Breadhouse, tapat ng Jose Reyes. Ang pusher ginagawa sa kwarto. Nakatimbre raw, di magalaw ng barangay, madami kasi kamag-anak. Yung isang opisyal ng brgy. sinundo pa ang tulak na kalalabas lang. Ang mga user dito sila upeng, momoy, marlon, jojo na mga tricyle driver, may kasama pang mandurukot at magnanakaw. Walang magawa ang chairman na si Alain Padernal. Sakop ito ng Alvarez PCP . Sana mapaaksiyunan ni Yorme. – Concerned citizen