Advertisers

Advertisers

Gordon Hayward ‘out’ sa Game 1 ng Celtics

0 237

Advertisers

Hindi pa rin makakasama si Gordon Hayward sa Boston Celtics sa kanilang Eastern Conference finals laban sa Miami Heat na magsisimula na ngayon.
Kung maalala nitong nakalipas na playoff games ay wala rin si Gordon.
Una na ring umalis sa loob ng NBA bubble para sa rehab sa kanyang ankle injury pero nagbabalik na ito.
Kung maalala nakuha ni Gordon ang sprained ankle sa Game 2 win ng Celtics laban sa Sixers sa first round series.
Ayon naman kay coach Brad Stevens gumagaling na si Hayward at maaari nang magbalik ngayong conference finals pero hindi pa puwede bukas.
Kung maalala bago ang bubble isa si Hayward sa main man ng team na nag-a-average ng 17.5 points, 6.7 rebounds at 4.1 assists per game.