Advertisers

Advertisers

Bgy. kapitan tinodas ng kaanak na napatay sa checkpoint

0 279

Advertisers

PATAY ang isang punong barangay nang pagsasaksakin ng lima katao Linggo ng gabi sa Bangued, Abra.
Kinilala ang biktima na si Claudio Barbadillo Bobias, 56-anyos, barangay kapitan ng Bgy.Lingtan, Bangued.
Sa ulat, umiinom ng alak ang biktima sa isang tindahan nang sugurin ng saksak ng lima katao. Dead on the spot ang biktima.
Nabatid na noong nakaraang linggo lang nakapagpiyansa at nakalabas ng kulungan sa kasong pagpatay si Bobias sa pinsan ng isa sa mga sumaksak noong March 25 ng taon kasalukuyan.
Nagsasagawa na ng manhunt operation laban sa mga salarin ang pulisya.
Ayon sa pulisya, posibleng paghihiganti ang motibo ng pagpatay sa kapitan.(PFT team)