Advertisers

Advertisers

SERYE NG PAGDUKOT SA LAGUNA

Higit 15 katao na ang nawawala

0 247

Advertisers

LAGUNA – Umaabot na sa15 katao ang napaulat na nawawala, hinihinalang dinukot ang mga ito dito sa lalawigan.
Batay sa pinakahuling ulat ng pulisya, ang huling apat na dinukot ay nakilalang sina Percival Janus Gabinete, binata, 32-anyos, anak ni retired Police Maj. Percival Gabinete, ng Villa Josefina Subdivision, Barangay Callios, Sta. Cruz; Larry Rebong, kaanak nitong si Annalyn Rebong alias “Canty”, at isang Princess Garon alias “Kabog” na pawang residente ng Bgy. Pagalangan, Victoria.
Ayon sa ulat, nawala si Gabinete Agosto 24, 2020 habang lulan ito ng kanyang minamanehong kulay itim na Yamaha na motorsiklo 7:30 ng gabi sa bayan ng Sta. Cruz. Naglaan ng P50,000 pabuya para sa sinomang makapagbibigay ng matibay na impormasyon sa insidente.
Nasundan ito ng pagkawala ng tatlo pang biktima na sina Larry at Annalyn Rebong at Garon nitong nakalipas na isang linggo habang lulan naman ang mga ito sa isang kulay silver na kotseng Honda Civic, may plakang ZMS-240, patungo sa ba-yan ng Sta. Cruz para umano bumili ng bigas para sa kanilang on-line business.
Sa kasalukuyan, nananatiling blangko ang pulisya at pamilya ng mga biktima sa kanilang pagkawala.
Una rito ay naitala ang pagkawala ng nasa anim pang kalalakihan sa bayan ng Famy, bukod pa ang apat sa lungsod ng San Pablo nitong nakalipas na ilang buwan, kabilang ang napaulat na iba pa.
Lumilitaw pa sa report na ang ilan sa mga nawawala ay may mga dating kaso sa droga, habang ang ilan ay negatibo sa anumang kaso.
Patuloy na pinaghahanap ng kani-kanilang pamilya ang mga biktima. (Dick Garay)