Advertisers
NAPASAKAMAY ng mga pulis ang P27 milyong halaga shabu sa isang abandonadong bag sa Barangay Paligsahan, Quezon City, Sabado ng umaga, Setyembre 12.
Sa ulat, may nagbigay ng tip laban sa kinilalang Evelyn Ariola Santos na may dalang itim na bag na naglalakad sa ikalawang palapag sa isang establisimyento.
Sa pagresponde ng mga pulis, nag-panik ito at tumalon sa adjacent property kungsaan naiwan ang bag na bitbit nito.
Tinatayang apat na kilo ang shabu na nasabat kasama ang drug paraphernalias at identification card ni Santos.
Ikinasa na ang manhunt operation laban kay Santos na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Boy Celario)