Advertisers
Nagpapabibo na naman ang kamatayan bloc nila Carlos Zarate at Sarah Elago. Akala nila maloloko pa nila ang mga tao. Salamat at may naglabas sa tunay na kulay nila. -Kiel Manaois, San Mateo Rizal
Pakinabangan ang basura
Gud evening to everybody. ‘Yung mga nagtatapon ng BASURA ay mga taong walang malasakit sa kalikasan. Baka sabihin na ako ay pasikat. Sa totoo lang ay walang nakukuhang basura sa amin, taon na. Ito lang ay kung susundin ninyo… SIMPLE lang naman: Ilagay po ninyo sa 1.5 na plastic o iyong jug na lalagyan ng tubig at pwedeng pang hallow blocks. Pikpikin o siksikin ang plastic bottle na 1.5 gamit ang daliri o isang stick na kahoy na sana itatapon ninyo. Maniwala kayo na malaking swerteng mga araw ang darating sa inyo. Malalayo kayo sa karamdaman. Kasi pwede na kayong di na matawag na ”baboy”. NAKAKALULA AT NAKAKAHIYA ANG MGA INAASAL NG MGA TAONG WALANG RESPETO SA MUNDO NATING GINAGALAWAN…tama na ito.TNX. – Nagmamahal sa BAYAN.
Mga kriminal at iligal sa ilalim ng McArthur Bridge sa Lawton, Manila
Comment qlng poh sa concerned citizen ng nag-txt sa Txt Brigade Police Files. Yap pugad at lugar ng kadiliman itong squatter ng Lawton, 659-A Riverside 2. Halos nandito na lahat ng iligal tulad ng nakaw na kuryenteng pailaw Pl00 bawat bahay linggo linggo, drug pushers, maraming users dito labas-pasok, holdaper, isnatser, mga sugal na tong its, cara cruz, inuman, solvent boys 24 hrs dito sa McArthur Bridge. Daming adik dito sa McArthur Bridge pagala-gala. Mayor Isko, help us. Paki-linis dito, nakakatakot na talaga dito. Yung namumuno dito bulag at bingi – Concerned citizen
‘Di ba makasisira sa kalusugan ang face mask na binebenta sa mga palengke?
TEXT BRIGADE, ANG MGA BINEBENTANG FACE MASK SA MGA TIANGGE SA TALIPAPA O PALENGKE HINDI BA MAKAKASIRA SA KALUSUGAN NG TAO? AT ANG FACE SHELD ANG MAMAHAL NG PRICE P4O. MAY P150 PA. KARAMIHAN DI PARIN NASUSUNOD ANG SOCIAL DISTANCING SA MGA TALIPAPA. AT MGA ILLEGAL PARKING SA MGA KALYE NAGLIPANA NA NAMAN. – MATA NG LANSANGAN