Advertisers

Advertisers

Aalis na ba si Giannis sa Bucks?

0 273

Advertisers

Iaapela raw ni Aldin Ayo ang indefinite ban sa kanya ng UAAP. Ayon sa dating konsehal sa Sorsogon City ay hindi raw “appropriate under the circumstances” ang pinataw na parusa ng liga.

Eka ni Ka Berong ay maaari ngang mabigat ang penalty sa bench tactician. Kaso dapat daw bina-baan din ng sanction si Fr Jannel Abogado, ang nagbitiw na direktor ng Institute of Physical Education and Athletics ng UST. Nagpaalam kasi sa kanya si Ayo at nasa kanya ang mga liham ng pahintulot mula sa magulang ng mga player. Ngunit hindi naman pala niya ito pinabatid sa tanggapan ng Rector. Kailangan panagutin din ang mga team manager na nagkaloob ng pondo sa Sorsogon bubble.

Mainam daw sabi ni Kaka na hindi naapektuhan ang ibang mga atleta sa ibang sports. Kawawa naman sila kung sakali. Wala naman silang kinalaman sa kasalanan nina Ayo.



***

Ano na mangyayari sa kasalukuyang MVP na si Giannis Antetokounmpo at ang kanyang koponan na Bucks matapos silang pinagbakasyon nang maaga ng Heat?

Ang daming analyst na nagpapanukala na pa-trade na ang Greek Freak para magkaroon ng malaking tsansa magkampeon sa NBA. May isang taon pa kasi ang kontrata ng pinakabida ng Milwaukee. Unrestricted free agent na siya sa end ng susunod na season. Pag nagkataon ay walang makukuha ang Bucks na kapalit sa paglipat ng Defensive Player of the Year.

Sigurado marami ang mag-aalok ng magagandang panukala upang mabingwit ang malamang na MVP muli ngayong taon.

Ang suhestiyon ni Mang Tomas kay Giannis ay manatili pa ng isang taon sa Bucks at pagsikapan nilang muli makarating sa rurok ng tagumpay. Kung bigo pa rin ay saka lamang siya umalis. Makakapili pa siya ng team na inaakala niyang makakatuwang niya sa pagsungkit ng korona.



***

Nabalitaan natin na may malubhang sakit si Ed Ducut na dating nagdribol sa Barangay Ginebra. May ilang kasabayan niya sa PBA na kumikilos na matulungan siya makalikom ng pondo para sa kanyang pangangailangan. Ang 6’4 na sentro ay produkto ng Letran sa NCAA. Sa PBA naman ay kilala siyang taga-bantay sa mga import gaya ni Norman Black na kasing taas niya.

Nawa’y gumaling siya sa lalong madaling panahon.

***

Pinatutunayan ni LeBron James na pang nuno lang ng husay ang NBA playoffs. Hindi uubra dito ang average basketeer. Walang puwang dito ang papetiks lang. Buhos ang galing mo dito sa opensa at depensa man. Oo kahit 35 anos ka pa.

Ang mindset mo dapat pangkampeon upang tumagal sa yugtong ito ng torneo. Matira talaga ang matibay.