Advertisers

Advertisers

Carlo inilantad na sa socmed ang anak; Marian ‘di keri malayo sa mga anak, atras na sa serye

0 326

Advertisers

SA virtual presscon ni Marian Rivera, kinumpirma niya na hindi na muna niya gagawin ang My First Yaya dahil hindi raw niya kayang ma-lock in sa taping at hindi makakasama ang mga anak  na sina Zia at Sixto ng ilang linggo.

Nagpasalamat si Marian sa Kapuso network dahil naintindihan ang kalagayan niya.

Sabi ni Marian, “Mahirap man sa akin, kasi hinulma itong karakter na ito para sa akin, at nung storycon, sinabi nila na ginawa nila ang First Yaya ayon sa kapasidad na mag-swak sa akin, e, nagkaroon nga ng pandemya.



“Sabi ko, kinausap ko ang GMA kung paano ang magiging protocols nila sa taping. Sinabi nila, may lock in, hindi muna uuwi, or parang Descendants of the Sun na nandun lahat.”

Ang tinutukoy ni Marian ay ang Descendants of the Sun na bida ang asawang si Dingdong Dantes. Katatapos lang ng kanilang lock-in taping.

“Sabi ko, ‘Naku, parang mahirapan yata ako diyan. Gustung-gusto kong gawin ang First Yaya. Nakakasa na ako diyan. Buong puso at isip ko, nakalaan na gagawin ko iyan. Nagkataon na may pandemya tayong hinaharap ngayon.

“Sabi ko talaga, ‘Siguro, hindi pa ito yung time. Kasi, mahirap sa akin naka-lock in, hindi ko makita ang mga anak ko. Nagpapadede pa ako kay Sixto, inaasikaso ko pa si Zia sa online class niya. Tapos, hindi ako uuwi ng bahay? Sabi ko, ‘Naku, paano ito, hindi ko kakayanin.’”

Sinubukan daw mag-adjust ng GMA-7. Gagawing pitong araw na taping at may three days na break para makauwi. Pero mukhang malabo raw talaga dahil sa safety protocol na dapat mag-self-isolation muna ng ilang araw bago mo maharap ang mga kasama mo sa bahay.



“In fairness sa GMA, naintindihan nila kung saan ako nanggaling. Laking pasasalamat ko talaga sa GMA na every time na may ganitong nangyayari sa buhay ko, nabubuntis ako, hindi ko puwedeng gawin, e, bukal sa loob nila na tanggapin nila ang desisyon ko at sinusuportahan nila ako dun.

“Kaya very thankful ako sa GMA na sobra-sobrang lawak ang pagkakaintindi nila sa akin.

“Sinabi naman nila na naiintindihan naman nila ang desisyon ko na hindi ko kayang gawin,” paliwanag pa ni Marian.

***

ISA na palang ama si Carlo Aquino. Sa kanyang Instagram account kasi kahapon, September 13  ay ibinahagi niya ang close-up, half-face picture ng kanyang anak na babae, na si Enola Mithi Aquino.

Ang nanay nito ay ang girlfriend ng aktor na si Trina Candaza. Ang caption ni Carlo sa kanyang post ay, “You can thank your stars all you want but I’ll always be the lucky one – Blanco.”

Ito ay ilan sa mga linya sa hit song ni Rico Blanco noong 2008 na,  “Your Universe.” Walang ibinigay na iba pang details si Carlo tungkol sa kanyang anak, kung kailan at saan ito ipinanganak. (Rommel Placente)