Advertisers

Advertisers

9 opisyal ng bgy. sa Central Visayas suspendido ng 6 months sa SAP

0 259

Advertisers

SINUSPINDE ng Ombudsman ang siyam na barangay kapitan sa Central Visayas na kabilang sa 89 na punong barangay na sangkot sa umano’y maanomalyang pamamahagi ng first tranche sa Social Amelioration Program (SAP).
Batay sa Press Release Code No 2020-09-12-01 ng Department of the Interior and Local Government, inatasan ni Sec. Eduardo Año ang mga Municipal at City Mayors na ipatupad ang suspension sa mga sangkot na opisyal.
Ang mga barangay officials sa Central Visayas na nakatakdang patawan ng 6-month preventive suspension ng Ombudsman ay tatlo mula sa Bohol; isa sa Negros Oriental; dalawa sa Cebu Province; dalawa mula sa Lungsod ng Mandaue at isa mula sa Cebu City.
Kaugnay nito, binigyang diin ni DILG undersecretary at spokesperson Jonathan Malaya na ito ang unang pagkakataon na ipinatupad ang mass suspension sa bansa.