Advertisers
PATAY ang 26-anyos na babae nang pagsasaksakin ng magnanakaw na sapilitang pumasok sa kanyang kuwarto nang tangkain manlaban ng biktima sa Caloocan city.
Kinilala ang biktima na si Cristina Hipolito, habang ang salarin ay kinilalang si Jerome Tayubong, 27, ng Barangay 90.
Sa ulat, habang nag-iisa ang biktima sa loob ng inuupahang kuwarto sa 11th Avenue, Brgy. 68, biglang pumasok ang salarin 6:30 ng gabi at tinutukan ng patalim ang biktima.
Hinalughog ni Tayubong ang mga gamit ni Hipolito, kabilang ang tatlong cellphones at sari-saring identification cards at nang tatakas na ito, nanlaban ang biktima kaya’t pinagsasaksak ito ni Tayubong.
Nagawa masakote ng mga barangay tanod si Tayubong at nabawi ang mga ninakaw nito.
Nahaharap sa kasong robbery with homicide sa Caloocan City Prosecutor’s Office si Tayubong. (Beth Samson)