Advertisers

Advertisers

Sarah kinunsiderang pinakamasayang b-day ngayong misis na

Sey mo Mommy Divine...

0 318

Advertisers

NAG-trending sa Twitter ang topic na “Happy Birthday Sarah G.”
Dinagsa ng pagbati ang singer/actress ng kanyang Popsters. Tamang-tama namang nasa honeymoon ngayon ang bagong mag-asawa sa tinanggap ng pagbati ng mga followers.
Nang i-post naman ni Dra. Vicki Belo ang mga larawan ng dalawa ay lalong nagkagulo sa Twitter na kasama rin siya ng mag-asawa.
Sa larawan makikita sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo na tila nasa isang forest habang hinahalikan sa pisngi ng una ang kanyang mahal na misis.
Sinabi ni Dra. Vicki sa caption na nagtanim daw ng coconut tree ang mag-asawa na makikita ang kanilang itinatanim.
“Happy birthday @justsarahgph. Thank you @matteog for kissing your wife for us. Now, they planted a coconut tree together that will bear fruit for years to come. May God bless you always and keep you safe,” caption ni Dra Vicki.
Inirepost din ng kanilang fans sa Twitter ang nasabing larawan at kilig na kilig ang mga Popsters.
Nag-post din ang isang solid fan ni Sarah ng series of photos na makikita sa larawan na super sweet ng dalawa. At kung pagbabasehan ang post ay nasa Amanpulo Resort sina Sarah at Matteo.
Kung pagbabasehan naman ang ningning sa mga mata ni Sarah sa larawan ay masasabi na yun na yata ang pinakamasayang kaarawan ng actress/singer.
***
VICE MOVE-ON NA AGAD SA PAGSASARA NG DOS?
HINDI natuloy ang launching ng Vice Ganda Network. Ang Tweet ni Vice, “Di kineri ng website ang powers n`yo! Ayun nag-Crash Landing on You ang site ni betle!!! Sorry we decided to cancel and reschedule the #TheViceGandaNetworkLaunch.”
Patuloy pa ni Vice, “Super thanks kay Angel at Bea also!!! Pasensiya na mga zizzzdt ha! Love u! Sayang pinaghandaan ko pa naman ng pangmalakasang blush on to si Andrea at Francine!!! Heheh!!! Super thanks sa Gold Squad ha for your practice. Bawi si meme next time.”
Samantala, kung marami ang nag-excite ay mayroon din naghimutok dahil kay bilis daw nakapag-move on si Vice sa pagsasara ng franchise ng ABS CBN.
Ang katuwiran naman ni Vice ay matulungan ang mga nawalan ng trabahong Kapamilya employee at mga stand-up comedian na nakararanas ng depression dahil nga sa kawalan ng trabaho dahil sa pandemic ng Covid-19.
Well, sana nga ay maging successful ang bagong network ni Vice para magkaroon ng pagkakataon ang mga nawalan ng hanapbuhay. – (Gerry Ocampo)