Carla dinenay na mag-oober da bakod para maiwasan ang mister na si Tom; AJ ine-enjoy ang mga iskandalo
Advertisers
Ni WALLY PERALTA
HINDI na maitatanggi na in her own sexy ways ay nakagawa si AJ Raval ng pangalan sa showbiz, as in kahit paano ay nakilala na siya ng masa.
Pero hindi yun the easy way o sa paghuhubad lang niya nakuha kundi sa kanyang acting skills and mga iskandalo. Kapuna-puna kasi na tila may kakambal na iskandalo si AJ sa tuwing may movie na ipalalabas.
Ang una ay ang pagkaka-link niya kay Aljur Abrenica na that time ay sariwa pa ang hiwalayan sa asawa nitong si Kylie Padilla. Nasundan ito last Valentine’s Day na naispatan silang magkasama sa isang hotel sa Leyte.
And lately ay ginawan siya ng fake sex scandal na pinagtagpi-tagpi ang mga daring scenes niya sa movie na ginawa. Ano kaya ang masasabi dito ni AJ?
“Honestly, parang nae-enjoy ko rin po yung may mga isyu-isyu, kasi that means may kinapupuntahan yung career ko. So, may part sa akin na pinagtatawanan ko sila dahil sa mga iskandalo na binubuo nila. Yun lang ang masasabi ko, parang nae-enjoy ko rin po siya,” say ni AJ.
Pero ngayon ay may bago siyang iskandalong kinasasangkutan, nakikipagsabayan siya sa paseksihan at pagiging daring sa lima niyang kapwa sex nymphet sa loob ng 10 linggo simula nitong Abril 10.
Ang lima ay sina Cindy Miranda, Ayanna Misola, Angela Morena, ang baguhan na si Andrea Garcia at ang FHM model na si Jamilia Obispo. Ito ay para sa latest mini serye ng Vivamax. Ang kwento ng Iskandalo ay magsisimula sa pagkamatay ng isang sikat na batang artist na masasangkot sa isang viral sex scandal. Siya ba’y nagpakamatay sa hiya? Foulplay ba? Kung foul play, sino ang pumatay sa kanya?
Yan ang iimbestigahan ng isang determinadong lady cop. Ang ‘Iskandalo’ ay mapapanood na sa Vivamax App. Subscribe na.
***
KASABAY ng pagsabog ng kontrobersiya ng mag-asawang Carla Abellana at Tom Rodriguez, ang kanilang hiwalayan blues na pinagpistahan ng masa at binigyan ng sariling interpretasyon sa tunay na dahilan ng paghihiwalay nila.
Sa kabila nito ay tahimik lang ang magkabilang kampo, kahit pa anong ipukol na super nega bash sa kanila. At may isang tsika pang lumabas na ikinabahala rin ng followers ni Carla, ito ay ang napipintong pag-oober da bakod umano ni Carla para maiwasan o makapanabayan ang kanyang mister sa istasyon na pareho nilang kinabibilangan, ang Kapuso Network.
Kamakailan lang ay binasag na rin ni Carla ang kanyang pananahimik sa isyu ng ‘lipatan blues’ sa pamamagitan ng pagkukuwento ng kanyang bagong project na ginagawa sa Siyete, ang “Voltes V: Legacy” na isa siya sa main character at ginampanan ang role ni Dr. Mary Ann Armstrong.
“Napakalaking blessing sobra, iyon po ang nagpapasaya sa akin ngayon talaga, nagpapangiti sa akin nang malaki.
“Ang ganda ng set, ang ganda ng costumes, ang huhusay ng mga bata umarte. It’s amazing,” say ni Carla.
There you are, walang lipatan na magaganap at dagdag pa rito ay may nakalaan na ring isa pang bagong serye si Carla after ng kanyang stint sa “Voltes V: Legacy”.