Advertisers

Advertisers

Lolo inarmalite habang tulog

0 270

Advertisers

PATAY ang 78-anyos na lolo nang pasukin sa loob ng bahay at pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin sa Surigao del Norte.
Kinilala ang biktima na si Rolando Leyson Sr., 78, residente ng Km. 20, Purok 5, Baragay San Pedro, Sison, Surigao del Norte.
Sa report, 11:41 ng gabi ng Setyembre 12 nang maganap ang krimen sa loob ng bahay ng biktima.
Ayon sa ulat, dumating ang hindi kilalang lalaki na armado ng M6 armalite rifle sa bahay ng biktima at may kasama itong isa pang lalaki na nagsilbing look-out sa labas ng bahay.
Sa salaysay ng anak ng biktima na si Kring-Kring, pinalabas sila ng salarin at tinanong kung saan ang kuwarto ng kanilang ama.
Pinasok ng salarin ang biktima sa loob ng silid nito saka pinagbabaril.
Matapos ang krimen, parang walang nangyari na umalis ang mga salarin, sakay ng itim na SUV patungo sa direksyon ng Butuan City.
Ayon sa otoridad, posibleng pinatay si Leyson Sr., dahil ama ito ni Rolando Leyson , Jr., na pinaniniwalaang si “Ka Edroy’, na lider ng New People’s Army (NPA) sa Surigao del Norte. At bago naganap ang krimen nagpahayag ng P5.1 million reward ang Sison-Municipal Police Station para sa ikadarakip ni ‘Ka Edroy’.
Inaalam pa ang motibo sa krimen.(Ace Ramales)