Advertisers

Advertisers

Driver patay nang sumalpok ang SUV sa delivery van

0 301

Advertisers

PATAY ang driver ng SUV na sumalpok sa isang 10-wheeler delivery van Sabado ng umaga sa Diversion Road, Lucena City.
Idineklarang dead on arrival ang SUV driver sa isang pagamutan sa naturang lungsod. Nagtamo naman ng minor injuries ang driver at pahinante ng van.
Samantala, nakunan sa dashcam ng sasakyang kasunod ng delivery van na minamaneho ni video uploader Henry Magboo ang salpukan ng dalawa.
Makikita na bago naganap ang banggaan, gumewang ang SUV at sa lakas ng pagsalpok nito sa delivery van ay napaikot ito at may ilan pang bahagi ng sasakyan na tumalsik. Sira rin ang harapan ng van.
Nasa kustodiya na ng Lucena City Police Station ang driver ng van.
Posibleng ang madulas na kalsada ang dahilan ng insidente.(PFT team)