Advertisers

Advertisers

Balintuwad na Katarungan

0 311

Advertisers

Gender injustice is a social impairment and therefore has to be corrected in social attitudes and behaviour.  — Mohammad Hamid Ansari

GINAWANG katawa-tawa ang ating hustisya sa pagkakaloob ni Pangulong Rodrigo Duterte ng pardon kay Lance Corporal Joseph Scott Pemberton na sa aming pananaw ay nagkasala ng isang heinous crime na dapat sana’y napatawan ng kasukat na parusa.

Nabigyan lang ang United States marine ng parusang 10 taong pagkabilanggo sanhi ng brutal na pagpatay sa Pilipinong transgender na si Jennifer Laude.



Umani ng batikos ang decision ng dating alkalde ng Davao City na isa ring dating fiscal at nakakaalam sa proseso ng pagbibigay ng katarungan sa mga taong naging biktima ng krimen at karahasan tulad ng naranasan ni Laude at ng kanyang pamilya.

Ayon sa punong ehekutibo, personal na desisyon niya umano ang pagbibigay ng absolute pardon kay Pemberton: “You have not treated Pemberton fairly. So I will release him (through) pardon.” Idinagdag pa ni Duterte na hindi nasukat ng wasto ang panahon ng pagkabilanggo ng sundalong Amerikano sa ilalim ng batas na nagbibigay ng pagkilala sa pinakita nitong kagandahang asal (good behavior) para sa mas maikling termino ng pagkakakulong.

Gayunman, tinukoy ng pamilya ng legal counsel ni Laude ang desisyon ng pangulo bilang isang malinaw na halimbawa ng “kawalan ng hustisya—hindi lamang para kay Jennifer at kanyang pamilya kundi matinding pambabastos sa sambayanang Pilipino.”

“This is a travesty of Philippine sovereignty and democracy,” pinunto ng abogadong si Atty. Virginia Suarez.

Sanhi ng pinagkaloob na pardon, nagbalik ang sentimyento ng mga Pinoy laban sa mga Amerikano.



Binatikos ng lider ng grupong Bayan na si Renato Reyes ang mga pahayag ni Duterte at kinondena ang sinasabing ‘special treatment’ kay Pemberton.

“If Filipinos want pardon . . . they need to undergo a long process. The American soldier that killed a Filipino was given an express lane,” tweet ni Reyes sa social media.

Sa ganang amin, ang pagbigay ng pardon kay Pemberto ay isang ehemplo ng pagiging balintuwad ng ating sistema ng katarungan.

* * *

PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!