Advertisers

Advertisers

Killer ng amo nag-post ng ‘hanapin niyo ko’, timbog!

0 263

Advertisers

Nadakip ang lalaking pumatay sa kaniyang among babae nang magtago ng limang taon sa Batangas.
Nagawa pa ng salarin na mag-post sa social media na tila naghahamon na… “hanapin niyo ko.”
Sa ulat, nagkaroon ng tensyon nang makaharap ng mga kaanak ng biktima ang salarin na si Ronald Yupio, Jr.
Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), nagtangkang pagnakawan noon ng salarin ang pinagtatrabahuhang fish pond na nauwi sa pananaksak sa kaniyang among babae sa Candaba, Pampanga na nagtamo ng 70 saksak.
Sa report, nakatakas si Yupio at nagpalipat-lipat ng pinagtaguan, at nagawa pang mag-post sa social media.
Nahuli si Yupio ng NBI-AFAD sa Ibaan, Batangas.
Mahaharap si Yupio sa kasong murder at frustrated murder.(PFT team)