Advertisers

Advertisers

KOTSE NAHULOG SA 2ND FLR., SINALO NG AUV

0 238

Advertisers

Sugatan ang isang lalaki nang mahulog ang minamanehong sasakyan mula sa ikalawang palapag ng Philippine Ports Authority (PPA) building sa Port Area, Maynila, Biyernes ng hapon
Kinilala ang sugatang driver nna si Claudio Tagaan, 61-anyos, at residente ng Simoun Satimar Village, Talon Dos, Pulang Lupa, Las Pinas City.
Sa report, 4:25 ng hapon nang mabagsakan ng minamanehong Toyota Innova ni Tagaan ang isa pang behikulo na nakaparada lang sa gilid ng gusali.
Ayon sa ulat, sa pataas na bahagi ng rampa ng ikalawang palapag ng PPA building patungo sa parking area nang bumangga sa concrete stopper at dumiretso pa nang mawasak ang salaming pader kaya nahulog. Bumagsak ang Toyota Innova sa isang Isuzu Alterra na nakaparada sa  gilid ng PPA bldg.
Maswerteng walang tao sa nabagsakang Isuzu Alterra subalit parehong napinsala ang dalawang sasakyan at sugatan si Tagaan.
Sa kasalukuyan, wala pang inihahandang kaso laban kay Tagaan dahil wala pang lumulutang na complainant, lalo’t lumalabas na self-accident ang nangyari.
Nagsasagawa na ng verification sa Land Transportation Office (LTO) ang MDTEU upang matunton at makausap ang may-ari ng Isuzu. Hindi  malinaw kung ano ang katungkulan ni Tagaan na naroon sa PPA bldg. at nagmamaneho ng government vehicle. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)