Advertisers

Advertisers

Physical Distance sa mga public transport, babawasan na

0 241

Advertisers

Kinumpirma ng Department of Transportation (DOTr) na mula sa 1-meter ay magiging 0.75 meters na lang ang distansiya ng mga pasahero sa pampublikong sasakyan simula Setyembre 14.
Kasunod ito ng pag-apruba ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa panukalang bawasan ang ipapatupad na physical distancing ng mga pasahero sa mga public transportation. Ito ang kinumpirma ni DOTr Sec. Arthur Tugade sa isang panayam nitong Sabado, Setyembre 12.
Ayon kay Tugade, layunin ng naturang direktiba na itaas ang seating capacity ng mga pampublikong sasakyan para mas marami umano ang mapagsilbihan nito.
Sinabi pa ni Tugade na may posibilidad rin na ibaba pa ito sa 0.5 meters sa susunod na 2 linggo hanggang sa umabot sa 0.3.meters na lamang sa susunod pang 2 linggo. (Josephine Patricio)