Advertisers

Advertisers

NBA: Nuggets naungusan ang Clippers

0 249

Advertisers

KUMAMADA si Nikola Jokic ng 22 ;points at humatak ng 14 rebounds, upang tulungan ang Denver Nuggets na ipinta ang 111-105,laban sa makulit na Los Angeles Clippers kahapon sa kanilang Western Conference semifinals.

Nag-ambag si Jamal Murray ng 26 points,8 rebounds at 7 assists kabilang ang limang 3-pointers para sa Denver, na tinabas ang series sa 3-2.

Ang Game six ay sa Linggo.



Kontrolado ng Clippers ang unang three quarters, hawak ang pinakamalaking 16 points na bentahi sa first half at tinangka pang tapusin ang Denver.

Pagkatapos na umiskor ni Paul George para maging 86-80 sa fourth quarter, uminit ang Nuggets na umiskor ng back-to-back triples si Murray at Jokic na nagbigay sa kanila ng unang kalamangan sa laro na 89-88 na may 7 minuto pang nalalabi sa laro.