Advertisers

Advertisers

Cordero ng Tomasino!

0 288

Advertisers

Marahil si Ed Cordero ang kauna-unahang pormal na nag-apply bilang kapalit ng nagbitiw na si Coach Aldin Ayo.

Ayon sa dating bidang Glowing Goldie ay nag-email siyang kahapon kay Fr. Ermito de Sagon, ang nagbabalik na direktor ng Institute ng Physical Education at Athletics ng UST.

“Nais kong makatulong sa ating pamantasan bilang coach at mayroon akong detalyadong plano para sa rebuilding ng basketball program,” wika sa atin ng ex-Toyota player sa PBA.



Ang 6’4 na minsan ay umiskor ng 54 na puntos kontra Admason sa UAAP ay hinog na maging head coach sa pinakamatandang collegiate league. Matagal siyang assistant ni Frankie Lim sa San Beda at gayon din kay Atoy Co sa Mapua.

May karanasan din siya bilang associate commissioner ni Ramon Fernandez sa MBA at ni Co sa UNTV Cup. Naging team manager din ng Purefoods ang produkto ng St Anthony School sa Singalong, Manila.

Nakagawa na rin siya ng mga basketball camp upang maturuan ang mga batang manlalaro. Ngayon may ilan siyang kabataan na hinahasa sa finer points ng ating paboritong game.

Eka nga ni Ka Berong ay panahon na ni Cordero para pastulan ang mga Growling Tigers, Malaki rin daw ang maitutulong ng kanyang MBA degree sa USTe sa paghubog sa kabataan sa isang systematic approach.

Batid naman natin lahat na hindi lang husay sa pagiging bench tactician ang kailangan sa pagiging matagumpay na coach.



Dapat magaling din sa paghawak ng mga tao lalo’t mga nasa kolehiyo pa lamang.

Dugtong naman ni Pepeng Kirat na need din na maalam sa maraming bagay at hindi lalabag sa mga alituntunin ng liga at ng gobyerno

Sabi ng nagdribol din noon sa Beer Hausen/Manila Beer, Tanduay, Alaska at Shell na mahalaga ang makapagtalaga agad ang eskwela ng bagong coach upang hindi maubos ang mga player na natitira pa sa koponan.

Ang iba pang naulat na nagpabatid na interesado sila sa bakanteng posisyon ay sina Gilbert Lao at Chris Gavin. May mga report din na binabanggit ang mga pangalan nina Siot Tanquincen, Estong Ballesteros, Chris Cantonjos at Patrick Fran.

Sino kaya mapili? May the best man get appointed.

***

Nalaglag sa ikalawang sunod na pagkakataon ang Milwaukee sa playoffs. Hindi sapat na numero uno sila ng regular season.

Iba kasi pagdating ng mga best-of-seven series. Noong isang taon ay nadaig sila ng Toronto para sa Eastern Conference Finals,

2-4. Ngayon pinagbakasyon sila ng maaga ng No-5 seed na Miami sa East semis, 1-4.

Sa kabilang banda mukhang malulusutan ng No. 1 na Lakers sa East semis ang Houston. Malamang sila ng Clippers ang magharap sa Eastern Conference Finals na siya naman inaasahan ng mga analyst sa umpisa palang ng season.