Advertisers
ESPESYAL ang buwan ang Setyembre para kay FDCP Chair Liza Diño-Seguerra dahil sa buwan na ito ipinagdiriwang ng industriya ang “Sine Sandaan,” isang buong taon ng selebrasyon ng Sentenaryo ng Pelikulang Pilipino na nagsimula noong nakaraang taon.
Sa buwang ito, pinasinayaan ng kanyang ahensiya ang Sine Sandaan: The Next 100, isang virtual event na opisyal na nagbubukas ng Film Industry Conference 2020 Online at Full Circle Lab Philippines.
Ito ang mga kaabang-abang na pangyayari na dapat abangan ngayong buwan ng Setyembre.
Kre8tif! Virtual Conference (September 7-10)
Isa itong taunang pagpupulong ng mga animators at miyembro ng visual effects industry na layuning talakayin ang mga trends at innovations sa digital content industry.
Ito ay sa pakikipagtulungan ng FDCP sa Malaysia Digital Economy Corporation (MDEC).
FIC Online 2020
(September 11 – 15)
Isa itong online edition ng Film Industry Conference (FIC) na layuning mapagbuklod-buklod ang mga eksperto at stakeholders sa paggawa ng pelikula para pag-usapan ang bagong trends, platforms at maging oportunidad para sa Pinoy producers at filmmakers sa posibleng kolaborasyon sa ibang international experts sa ibang bansa.
Bilang paghahanda sa edisyon ng FIC ngayong taon, ang FDCP ay nakipag-alyansa sa iba’t ibang local at international organizations, festivals at film labs tulad ng Netflix, Locarno Film Festival, Rotterdam Lab, Full Circle Lab, at marami pang iba.
Full Circle Lab Philippines (September 15 – 30)
Ito ay isang kolaborasyon sa pagitan ng FDCP at Tatino Films.
Tampok din ang programang makatutulong sa filmmakers na magpakadalubhasa sa paggawa ng pelikula na ime-mentor sila ng iba’t ibang industry experts.
Ang Full Circle Lab Philippines ay binubuo ng apat na bahagi (Fiction, Series, Animation, and First Cut) na susuporta sa proyekto mula sa Pilipinas at buong Asya.
Sine Sandaan on The Manila Times TV (September 18)
Sa pag-usbong ng online streaming platforms, nakipag-alyansa ang FDCP sa The Manila Times Broadcasting Corporation para maipalabas ang mga kontemporaryo, klasiko at iba pang pelikulang gawa ng ating Pinoy filmmakers.
Tatakbo ng labintatlong linggo, mapapanood ang mga pelikulang ito via online streaming.
Tampok dito ang mga obrang Ang Mga Kidnapper ni Ronnie Lazaro (dir. Sigfreid Barros Sanchez), Bahay ng Lagim (dir. Celso Ad. Castillo), at Sigaw sa Hating Gabi (dir. Romy Suzara) na mapapanood nang libre at mga klasikong tulad ng Maynila sa Kuko ng Liwanag (dir. Lino Brocka), Pagdating sa Dulo (dir. Ishmael Bernal), at Genghis Khan (dir. Manuel Conde) na mapapanood naman sa abot kayang presyo.
Documentary Film Production Workshop of ELCAC Stories (September 16-18)
Ito ay kolaborasyon ng FDCP sa PIA Region XI na sasanayin ang 30 hanggang 40 aspiring filmmakers sa iba’t ibang aspeto ng documentary film production sa limang lalawigan sa Davao region.
Lutas Negros Oriental Film Festival (September 17-19)
Isa itong regional film festival na itinataguyod ng Foundation University, FDCP, at ng National Commission for Culture and the Arts.
Philippine International Comics Online Festival (PICOF) (September 19-20)
Sa pakikipagtulungan sa KOMIKET, isang NGO na itinatag ng komiks creators at volunteers, ang FDCP ay magho-host ng kauna-unahang Philippine International Comics Online Festival (PICOF) na ila-launch ang mga bagong obra, mga mangangatha at mga dibuhista.
Film Philippines WIFI: Workshops in Film Incentives (September 24)
Mowelfund x FDCP Special Masterclass (September 26)
Sa Special Masterclass Series online na ito, tatalakayin ang apat na aspeto ng filmamaking: Cinematography, Scriptwriting, Directing, at Acting.
Philippine Film Archive Website Launch (September 28)
Pasisinayaan sa petsang ito ang Philippine Film Archive (PFA) na katuwang ng FDCP sa archiving at film preservation ng ating mga pelikula.
CreatePHFilms (September 28)
Isa itong funding program para tulungan ang ating Pinoy filmmakers na maiprodyus ang kanilang mga konsepto at proyekto.
National Registry Gets an App (September 28)
Layunin nitong paigtingin ang database ng lahat ng aktibong kasapi ng entertainment industry tulad ng film, audi-visual at television workers para mapangalagaan ang kanilang kapakanan.
Sine Wikain Challenge (September 29)
Isa itong online na patimpalak na malayang bibigyan ng interpretasyon ng mga kalahok ang mga salawikain sa pamamagitan ng short films na ipo-post sa social media.
Ang mga mananalo ay tatanggap ng cash prizes.
Closing of Sine Sandaan: The Next 100
Dalawang araw na pagtatanghal na tatampukan ng pinakamagagaling na entertainers at performers sa bansa tulad nina Lani Misalucha, Gary V, Martin Nievera, Lea Salonga, Ice Seguerra, The Company, Acapelago, Robert Sena at Isay Alvarez. (Archie Liao)