Advertisers

Advertisers

Babae pinagdodroga at inaabuso ng bf na retired US Navy

0 266

Advertisers

Arestado ang isang retiradong US Navy nang ireklamo ng Pinay na karelasyon ng pananakit, pang-aabuso at pagpapagamit pa ng droga para pagsamantalahan ang biktima.
Sa ulat, inaresto ng mga tauhan ng International Operations Division (IOD) ng National Bureau of Investigation (NBI) ang suspek na si Jonathan Matthew, sa kaniyang condo unit.
Nasagip naman ang nagreklamong karelasyon ni Matthew na itinago sa pangalang “Anna,” na mismong nagsumbong sa mga awtoridad.
Sa ulat, sa condo unit nakuha ang isang prescription drug na umano’y dinudurog at ipinapagamit ng suspek sa biktima na may kasamang cocaine upang maging “high” ang babae bago niya abusuhin.Ayon sa report, sinasaktan din si Anna ng ka- live-in nito.
Napag-alam pa na ilang beses nang tinangka Tumakas ni Anna subali’t pinadadala ng suspek ang sex video nila sa dating nitong boyfriend. At nagbanta rin ang suspek na i-a-upload nito sa internet ang kanilang maseselang video kapag inulit nito ang pagtakas.
Nahaharap ang suspek sa patong-patong na kaso kabilang ang paglabag sa Anti-Violence Against Women and Children at Anti-Voyeurism Act.(PTF team)