Advertisers
HIGIT sa P.6 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa apat na drug suspects sa magkakahiwalay na anti-drug operation sa Muntinlupa City Miyerkules ng gabi.
Kinilala ang mga suspek na sina Herbert Ignacio, 40; Ramel Opague, 28, kapwa taga Brgy. Putatan ng nasabing lungsod; Florencio Romano. 31, ng Brgy Wawa, Taguig City; at Martin III Antazo, 35, ng Block 9, Lot 3 Ridgeview Subdivision, Brgy. Paliparan II, Dasmarinas Cavite.
Sa report, nadakip sina Ignacio at Opague sa Block 1, Lot 22 Midland Subdivision, Brgy. Putatan, Muntinlupa City sa ikinasang buy-bust operation ng Muntinlupa City Police Station Drugs Enforcement Unit (SDEU).
Nasa P516,800.00 halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska kina Ignacio at Opague.
At 9:45 ng gabi nang madakip si Romano ng naturang operatiba sa Midland Subdivision at nakumpiska ang P20,400.00 shabu.
Samantalang si Antazo naman nadakip 10:30 ng gabi sa Bayfair ng nasabi pa ring barangay at nakumpiska ang P129,200.00 halaga ng shabu.
Nasa P666,400.00 kabuang halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Muntinlupa City Police sa magkakahiwalay na anti-drug operation na ikinasa sa Brgy. Putatan.
Nahaharap ang mga suspek ng kasong paglabag sa Sections 5 (selling) at 11 (possession), Article II ng RA 9165 , Dangerous Drugs Act of 2002.(Gaynor Bonilla)